Chapter 30

0 0 0
                                    

After a week na namalagi ako sa hospital bihirang bihira na akong magsalita. Nawalan na ako ng gana sa buhay ko.

Hindi ko na alam kung pano ako magsisimula at kung paano ako uusad. Lalo na nang tuluyan kong maipalibing ang anak ko. Ramdam na ramdam kong mag-isa na talaga ako dahil yung inaasahan kong mapaghuhugutan ko ng lakas ay napabayaan ko kaya nawala.

Sobra sobra ang pagsisisi ko. Naging mahina ako at naging pabaya. Puro nararamdaman ko ang inisip ko.

Sorry anak alam kong lumaban ka at proud sayo si mommy. Si mommy lang talaga ang naging mahina nak, sorry baby ko mahal na mahal ka ni mommy.

Lagi lang akong tulala at tahimik hindi kumikibo at walang reaksyon tila talaga nawalan din ako ng buhay.

I'm such a big disappointment, hindi ko naprotektahan ang anak ko habang siya ay lumalaban ako lagi lang inaalala ang nararamdaman ko.

Nandito na naman ako sa paulit ulit kong routine simula ng makalabas ako sa hospital, gigising at pipiliting mabuhay at kumilos ng normal.

Parang nawalan na rin talaga ako ng buhay, hindi ko na alam kung pano ako magsisimula ulit at kung pano ako uusad.

Nandito ako sa kwarto at narinig kong kumakatok si mama pero hindi parin ako kumibo. Maya maya ay nakita ko si mama na pumasok na habang ako ay hindi parin gumagalaw nanatili akong nakatingin na lang basta sa kawalan.

Umupo si mama sa gilid ng kama ko at hinawakan ang kamay ko.

"Anak hindi ka mag-isa, nandito kami. Mahal na mahal ka namin anak, pasensya na hindi ka namin nakakasama lagi at malayo kami sayo. Sorry anak hindi ko alam na ganyan na pala kabigat ang pinagdadaanan mo. Sorry nagkulang ako anak, patawarin mo si mama. Mahal na mahal ka namin anak, nandito lang kami nak." Sabi ni mama habang pinipigilan ang pag iyak.

Hindi parin ako tumitingin sakaniya pero naririnig ko siya. Lahat ng sinabi ni mama ayon yung kailangang kailangan ko marinig noon lalo na nung takot na takot ako at hindi ko alam ang dapat kong gawin. Pero wala sila noon at hindi ko masabi sa kanila dahil hiyang hiya ako sa sarili ko.

Pero kahit marinig ko iyon ngayon wala akong maramdaman. Napansin ko rin na matapos mailibing ang anak ko hindi na ulit tumulo ang luha sa mga mata ko, nawalan na ako ng emosyon at pakiramdaman. Tila natuyo na rin nga mga luha sa mata ko.

" Anak nandito na si mama ha, pwede mo akong kausapin. Mahal na mahal kita." Sabi ni mama habang yakap ako bago siya lumabas ng kwarto ko.

Hindi parin ako nagkukwento sakanila ang alam lang nila ay tungkol sa anak ko pero ang tungkol sa tatay ng anak ko wala silang alam.

Galit ako kay Kai pero mas galit ako sa sarili ko dahil pinabayaan kong mangyari sakin ito. Nadamay pa ang anak ko...hindi ko siya naprotektahan at naalagaan. Anak patawarin mo si mommy....



Her Destiny Where stories live. Discover now