Tapos na ang mga exam ko at waiting na lang ako ng graduation. Thank God dahil kahit may pinagdadaanan ako ay naitawid ko parin ang finals ko.Friday ngayon at ganon padin ang pakiramdam ko, madalas padin akong nahihilo at nasusuka lalo na paggising sa umaga. Kaya nag decide na ako na magpa-check up kahit natatakot ako sa maaaring maging results dahil may kutob na ako kung ano ito.
Papunta na ako ngayon sa hospital para sa check up.
Dumating ako doon ng nanlalamig ang mga kamay dahil sa kaba at takot. Sumagi din sa isip ko na wag na lang sanang tumuloy pero feeling ko talaga kailangan ko.
Pumasok ako sa clinic ng doctor kung saan ako nagpaschedule. Lalo yatang sumasama ang pakiramdam ko lalo na nang makaupo na ako sa upuan sa harap ng isang babaeng doctor.
"Okay, good morning iha." Malumanay na bati saakin ng doctor.
"Good morning din po doc." Kainakabahang bati ko pabalik.
"Relax iha." Pagpapakalma pa saakin ng doctor siguro ay nahimigan niya sa boses ko ang kabang nararamdaman ko. Ngumiti naman ako at pilit na pinakalma nag sarili ko sa pamamagitan ng paghinga ng malaalim.
"So based on the symptoms you wrote here i recommend you to go to the clinic next to here. I think that's the check up you need, since wala ka din naman lagnat. Go iha, go to clinic on the right." Nginitian pa ako ng doctor bago ako tumayo at magpaalam.
"Thank you, doc." Sabi ko pa bago lumabas.
Sinunod ko ang sinabi ng doctor at pumunta nga ako sa clinic na kasunod ng clinic niya. Buti na lang din at Friday lang ngayon wala masyadong nagpapa check up, hindi ko kailangan maghintay at pumila. Kumatok lang ako at pumasok na hindi ko na naisip na basahin sa labas ng pinto kung anong clinic ba ito dala na rin ng kaba ko. Pagkapasok ko sinalubong ako ng magandang ngiti ng isa ring babaeng doctor at mukhang napaka bait niya.
"Good morning po doc. Sabi po ni Dra.Sanchez sainyo ko kailangan magpa check up."
"Ah yes, actually naipasa na niya sakin kung anong symptoms mo at kung anong tingin niya about your condition."
"So what is my condition doc?." Kinakabahan talaga ako.
" By the way, before anything else can i ask when is your last menstruation?" Lalo akong kinabahan sa tanong niya feeling ko nahihilo na ako.
"A-ahmm doc I think it's been 2 months since the last..." Sa sobrang dami ng iniisip ko at nangyayari saakin hindi ko nga napansin na hindi na pala ako dinadatnan for the last 2 months. Oh god, kakayanin ko ba ito? Please give me strength and courage dahil parang alam ko na kung saan papunta ito.

YOU ARE READING
Her Destiny
RomanceDescription : She is a girl who wants to protect herself from pain. Inakala na niya na magagawa niyang protektahan ang sarili niya, iniiwas niya ang sarili niya sa laro ng pag-ibig at pagtitiwala dahil ito ang alam niyang dudurog sakaniya ng tul...