Chapter 23

0 0 0
                                    

"Pero okay lang, somehow choice ko din naman na papasukin ka sa buhay ko."

"Oo it's your choice Samie pero alam kong mali talaga ako dahil hindi ko pinahalagahan yung chance na ibinigay mo sakin. Kaya sorry talaga baby." Namiss kong marinig na tawagin niya akong baby, namiss ko yon ang sarap sa pandinig. But at the same time ang sakit sakit ding madinig ulit yon.

Alam ko sa sarili ko na sa estado ko ngayon hindi ko talaga siya mabibigyan ng pagkakataon dahil wala na yung tiwala ko sakaniya at takot na takot na ako. Ang daming what ifs sa utak ko.

Ito na talaga ang araw, ito na, dito na matatapos ang akala kong kwento namin na magtatapos sa happy ending. Ang happy ending na pinangarap ko para samin.

"Kai let's end it here. Sabi mo nga hindi ka pa handa. Now, you are free gawin mo lang ng gusto mo. Enjoy your life baby, i'm letting you go..." Nakatungo ko nang sabi dahil humahagulhol na ako, ganito pala kasakit tapusin.
      
Ito na pala ang araw na babago sa lahat. Hindi ko inaasahang matatapos sa ganito. Tinignan ko sya sa mata at sinubukan kong ngumiti sakanya upang ipakita sana na ayos lang ako....na magiging masaya lang ako at sinabi ko ang mga gusto kong sabihin.

" B-basta...maging masaya ka lang ha....p-panindigan mo yung pinili mo a-ayos lang ako, magiging ayos lang ako. May hihilingin lang din sana ako...pwede bang...kung dumating man yung araw...." Sinusubukan ko talagang pigilan ang pagtulo ng luha ko kahit hirap na hirap na din akong magsalita.

" P-pwede bang kahit anong malaman mo o kahit anong m-mangyari wag mong pasisisihan yung ginawa mo, yung pinili mo....kahit yon na lang sana....magiging masaya na ako don. J-just don't burden yourself, isipin mo na ako yung kusang umalis at nagpaalam. Choice ko ito, desisyon ko ito Kai. " Bago ako tuluyang lumayo sakanya ipinakita ko ang tunay at masaya kong ngiti at saka ko sinabi ang mga huling kataga na hindi ko inakalang ganito kasakit kong babanggitin...at hindi ko inakalang isang araw ay aking sasabihin sakanya.

" I-i love you...be happy huh, can I have a one last hug from you?" Tumango siya kaya lumapit ako sakanya, niyakap ko siya ng napaka higpit na para bang doon ko maipaparamdam sakanya sa huling pagkakataon kung gano ko siya kamahal. Sa yakap na yon doon ko ibinuhos lahat ng nararamdaman ko sakanya at sinabi ko ang pinakamaskit na pamamaalam ko sakanya bago ako bumitaw sa yakap na iyon.

"G-goodbye my l-love, goodbye baby ko...I love you until the end."

Tahimik lang na tinanggap ni Kai ang lahat ng sinabi ko. Parang ang dali para sakaniya at puro sorry na lang na sinasabi niya.

"Sana makayanan ko, sana kayanin namin ng anak mo." Sabi ko sa isipan ko bago lumakad papalayo sakaniya.

Letting him go is not easy, but this is my choice. Mahirap pero ayaw kong sumugal sa taong hindi sigurado. Sana makayanan ko....

Her Destiny Where stories live. Discover now