Chapter 15

0 0 0
                                    


"I need you to use all of this to make sure." She gave me 3 pregnancy test kit at natulala talaga ako sandali kaya hinawakan ako ng doctor sa balaikat.

"Iha relax, gamitin mo muna yan. Go to the bathroom, go and i'll wait for you here." Pagpapakalma sakin ng doctor. So ginawa ko yung sinabi niya, pumunta ako sa cr sa loob ng clinic niya. Sinunod ko yung instructions na nakasulat sa box kung pano ba iyon gamitin. Then after kong matapos hindi ko tinignan yung result basta na lang ako lumabas ng cr at inilapag yung tatlo sa table ng doctor.

"Iha, look these 3 pregnancy test shows 2 lines and it means it's positive that you are pregnant." Para akong hihimatayin ng ma confirm at marinig ko mismo sa doctor na buntis ako. Gusto kong umiyak, hindi ko alam ang gagawin ko. Nagsasalita pa ang doctor pero hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya. Paulit ulit lang nag replay sa utak ko yung sinabi niyang "you are pregnant".

"We need to check your baby via ultrasound since it looks like you are not aware that you are pregnant. We need to see if he is healthy." Inalalayan ako ng doctor na pahiga doon sa single hospital bed sa clinic niya na may katabi ring parang mga machine. Para akong nakalutang at hindi ko na alam kung anong ginagawa ng doctor.

" Iha, you are 2 months pregnant...." Pukaw ng doctor sa atensyon ko since parang ang lalim ng pag-iisip ko. Tumingin ako sakaniya.

"Iha take a look at the monitor." Turo niya sa monitor sa malapit sa ulunan ko habang may ginagalaw siyang bagay sa tiyan ko na naka connect sa monitor at sa machine.

"As you can see this is the heartbeat of your baby at mukhang maselan ang pagbubuntis mo kaya i will give you some vitamins for you and your baby. I also recommend you to as long as you can stay away from stress." Sabi niya sakin at sa tuwing binabanggit niya ang baby ko parang gusto kong umiyak. May nararamdaman akong saya pero mas nangingibabaw ang takot at pangamba dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

Tumayo ako sa pagkakahiga dun sa hospital bed na parang nakalutang ako sa dami ng iniisip ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko mag-isa lang ako.

Nagpaalam na ako kay Dra. Montalban bago ako lumabas ng clinic niya. Pinaalalahanan naman niya ako na mag ingat at alagaan ang sarili ko para sa baby ko.

Hindi parin nag sisink in saakin lahat, may parte parin sakin na ayaw paniwalaan. Pero kailangan kong tanggapin nandito na ito.....

Her Destiny Where stories live. Discover now