2 Days after ng graduation nag aayos na kami ng gamit at tinulungan na ako ni mama kasi sasabay na ako sakaniya papunta ng Singapore bukas.
Hindi ko parin nasasabi kila mama.
Ngayon nandito kami sa kwarto kasi sabi ni mama ay tutulungan na niya akong mag-impake ng mga gamit ko dahil napapansin na nila ang pagiging maselan ko at mabilis mapagod.
Maya maya napansin ko si mama na bigla na lang natigilan doon sa isang tabi.
"Ma..." Tumingin sakin si mama na parang wala siya sa sarili.
Kinabahan na ako sa reaksyong nakikita ko kay mama kaya lumapit ako sakaniya.
"M-ma..." Kabado at nanlalambot kong tawag kay mama ng makita ko kung ano ang hawak niya. Hawak ni mama ang tatlong pregnancy test na ginamit ko.
Nakalimutan kong doon ko nga pala itinago yon sa drawer kung saan naglilis ngayon si mama.
Lumuhod na lang ako bigla sa harapan ni mama at humingi ng tawad kahit hindi pa siya nagtatanong o nagsasalita.
Sa gitna ng paghagulhol ko at pahgingi ng tawad naramdaman ko na lang ang malakas na samapal sa mukha ko.
"Elena!" Tawag ni papa kay mama ng maabutan niya kami sa sitwasyong iyon.
"Bakit mo ginawa yon sa anak mo!" Galit na sigaw ni papa.
Hindi sumagot si mama sa tanong ni papa, bagkus ay nanlalmbot na napaupo si mama sa sahig habang ako ay nakaluhod parin sa harap niya at humahagulhol ng iyak.
Hanggang sa nabitawan ni mama ang hawak niya at nakita iyon ni papa.
" Sayo to Samantha?" Mahinang tanong ni papa ng pulutin niya ang pregnancy test na nahulog.
Hindi ako makasagot kakaiyak pero sapat na siguro ang iyak ko para maintindihan ni papa kung ano ang sagot sa tanong niya.
Nahagip ni papa ang figurine at walang ano anong ibinato iyon. Iyon ay yung figurine angel na ibinigay pa sakin ni Kai nung first monthsary namin.
"Sino!?" Sigaw ni papa na halos ikatalon ko sa gulat.
" Sino ang ama ng batang iyan!?Bakit mag-isa ka lang at hindi mo naipakilala samin yan!?" Sunod sunod na tanong ni papa nang hindi parin kumakalma ang boses.
Wala akong maisagot sakanila nanlalambot ako hindi ko alam ang sasabihin ko.
Susubukan ko sanang tumayo nang bigla kong maramdaman ang nakakahilo at nakakapanlambot na sakit sa tiyan ko.
Napasigaw ako sa sakit at napaupo sa sahig.
Nakita kong dinudugo ako...
Nakita ko ang dugo na nagpatigil ng mundo ko habang nararamdaman ko ang sobrang pagbilis ng tibok ng puso ko kasabay ng pagkahilo at panlalambot ko.
"Anak wag mong iwan si mommy..." Sambit ko sa isip ko bago ako mawalan ng malay.

YOU ARE READING
Her Destiny
RomanceDescription : She is a girl who wants to protect herself from pain. Inakala na niya na magagawa niyang protektahan ang sarili niya, iniiwas niya ang sarili niya sa laro ng pag-ibig at pagtitiwala dahil ito ang alam niyang dudurog sakaniya ng tul...