Nakain kami ni mama ng dinner ngayon. Tahimik lang kami at nagpapakiramdaman.
Ramdam ko na maraming gustong itanong si mama sakin pero nananahimik padin ako.
"Anak dadating na ang papa mo bukas, right?" Oo nga pala sa dami ng iniisip ko nakalimutan kong bukas nga pala ang dating ni papa.
"Ah oo nga pala ma."
"Oh maglinis linis ka ng mga gamit mo at jan yon matutulog sa may sofa."
"Opo ma."
Natulog na rin agad ako ng maaga dahil dapat naman talaga hindi ako naggagagalaw. Pakiramdam ko rin ay pagod na pagod ako kahit wala naman ako masyadong ginagawa.
Kinabukasan maaga akong nagising.
Ginawa ko ang pinapagawa ni mama nag ayos ayos ako ng mga gamit, nakita ko pa yung necklace ko na binigay niya sakin pero deretso ko iyong itinapon sa basurahan.Maya maya may kumakatok sa pinto, kinabahan ako. Narinig ko si mama na pinabubuksan sakin ang pinto dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto. Nanginginig ang kamay ko ng hawakan ko ang doorknob para buksan ang pintuan, dahan dahan kong pinihit at tumambad sakin si papa.
Hindi ko napansin na pinipigil ko na pala ang paghinga ko dahil sa kaba. Kaya napabuga naman ako ng hangin nang makita ko na si papa pala ang nasa pinto, nawaglit na sa isipan kong dadating nga pala siya hindi ko rin kasi namalayan ang oras.
"Hayyys, akala ko ba hindi ka na aasa sa kaniya." Sabi ko pa sa isip ko.
Sinalubong ko si papa ng mahigpit na yakap at pinapasok siya sa bahay.
"Anak mukhang mataba ka ngayon ah. Buti naman at mukhang malusog ang katawan mo, kaso lang bakit parang ang putla ng kulay mo? Naaarawan ka pa ba?" Pagpansin ni papa sakin na ikinakaba ko na naman.
"A-ah, wala pa baka kulang lang sa tulog heheh." Kabado kong sagot, napaparanoid na talaga ako pag may nakakapansin ng mga pagbabago sakin.
"Tara na sa kusina pa baka gutom ka na, nandoon si mama nagluluto." Pagbabago ko sa usapan.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin.
"Anak ano pala ang balak mo after graduation?" Tanaong sakin ni mama.
"Ahm ma yon na nga sana ang itatanong ko sayo. Kelan ba ang balik mo sa Singapore?"
"Ahm oo nga hindi ko pa pala nabanggit sayo. 3 Days after your graduation nakaschedule na ang flight ko pabalik, pasensya na anak sandali lang kasi talaga ang baksyon ni mama dito. Teka bat mo nga ba naitanong?"
"Pwede bang doon na din muna ako? Pwede bang sumama na ako sayo?" Nagaalangang tanong ko habang tinatantya ko ang reaksyon ni mama at papa.
"Oo naman anak, tamang tama surprise ko sana ito sayo pero sasabihin ko na ngayon. Actually naayos ko na ang papers mo paalis, yon ang graduation gift ko sayo." Sabi ni mama na medyo nagpaluwag ng bigat na nararamdaman ko, habang si papa tahimik lang na nakikinig sa pagpaplano namin ni mama.
Mukhang umaayon naman sa plano kahit papaano ang nangyayari. Please Lord help me, tulungan niyo po akong maitawid ito at gabayan upang maging mabuting ina....
YOU ARE READING
Her Destiny
RomanceDescription : She is a girl who wants to protect herself from pain. Inakala na niya na magagawa niyang protektahan ang sarili niya, iniiwas niya ang sarili niya sa laro ng pag-ibig at pagtitiwala dahil ito ang alam niyang dudurog sakaniya ng tul...