Chapter 27

0 0 0
                                        

Graduation day....

"Happy graduation anak, mahal na mahal ka namin. Thank you for making us proud." Sabi ni mama na naiiyak  na at  pati ako ay halos maiyak na rin talaga.

Napaka emosyonal ko ngayong araw lalo na at sinasabayan pa ni mama ang pagiging emosyonal ko. Halos maya't maya niyang sinasabi kung gaano siya kaproud sakin.

Tuwing punupuri ako ng mama ko o ng kahit sino naiiyak ako at nagiging emosyonal, kasi naiisip ko kung masasabi pa kaya nila yan kapag gaano ako kafailure at kairresponsible. Naiiyak din ako kasi ang sarap marinig na naappreciate nila ako at salamat talaga na nandito na ako sa araw na ito na kahit papaano may nagawa akong tama sa kabila ng mga silent battles ko.

Alam ko na nadelay lang ang disappointment sakin nila mama at malalam din nila ang sitwasyon ko. Pero sa nakikita ko ngayon lalo akong pinanghihinaan ng loob na sabihin kasi ang sarap makita ng mga ngiti nila at bakas na bakas talaga sa mukha nila kung gaano sila kaproud na sa wakas nagbunga ang paghihirap nila. Ayaw kong masira ang mga ngiti nila dahil sa problemang dala ko.

Nang dumating kami sa venue ay sakto lang ang dating namin.

Simula na ng ceremony at sobra sobra talaga ang pasasalamat ko na nagawa ko at hindi ko napabayaan ang pag-aaral ko kahit may dala dala akong problema.

Nang nagmamartsa na kami papunta sa stage biglang sumakit ang tiyan ko pero hindi ko masyadong ininda nag sakit. Sabi naman ng doctor ay normal lang yon dahil nag aadjust pa ang katawan ko pero hindi parin maaalis sakin nag takot. Kaya pinakiramdaman ko naman ay salamat na lang dahil nawala rin maya maya bago pa ako makaakyat sa stage.

Natapos ang ceremony ng sobra sobra parin ang tuwa nila mama. Kahit papano talaga may nagawa akong tama.

Masaya kaming kumain sa labas tulad ng normal na pamilya kahit hindi naman na talaga kami buo at civil na lang si mama at papa sa isa't isa. Nagpapasalamat padin ako at nabubuo kami sa mga importanteng okasyon at pag kailangan ko sila.

Never akong pinabayaan nila mama kahit malayo sila sakin kaya ang bigat bigat sa pakiramdam ko na problema ang dala ko sakanila.

Umuwi kami sa bahay ng masaya at talagang naenjoy namin ang araw na ito.

Pagkatapos kasi namin kuamain ay iginala pa ako nila mama na parang bata. Pero kahit ganon ang saya ko rin talaga dahil namiss ko nga ang ganong moments namin dati.

Pagka-uwi ay pagod na pagod ako kaya pumunta na ako agad sa kwarto.

Bago ako makatulog ay kinakausap ko pa ang anak ko.

"Baby thank you dahil nakisama ka kay mommy today huh. Sorry din dahil alam kong napagod ka rin. Pasensya anak hindi ko mabibigay sayo ang buong family pero gagawin ko lahat para hindi mo maramdamang may kulang kaya kapit ka lang kay mommy huh, i love you anak. Goodnight...."

Her Destiny Where stories live. Discover now