Chapter 13

0 0 0
                                    


Monday ngayon at kahit masama ang pakiramdam ko pumasok ako dahil malapit na din matapos ang pasukan at may exam ako ngayon hanggang Wednesday. Kailangan mag focus na muna ako sa pag aaral ko saka ko na lang haharapin si Kai.

Sinalubong ako ni Ayomi pagkapasok ko sa classroom.

"Ayos ka lang ba Samie? Ang tamlay mo, kumakain at natutulog ka ba?." Pansin niya sakin pero nginitian ko lang siya.

"Ayos lang ako ano ka ba. Kumain nga lang ako ng kumain habang nag rereview hahahahaha." Tinignan niya ako ng may pagdududa. Ngumiti lang ako sakaniya, yung ngiting paniniwalaan niya talagang ayos lang ako.

"Okay, basta magsabi ka lang ha. Nandito ako Samie hindi mo kailangan magtago o magpanggap saakin." Makahulugang sabi pa niya. Napangiti naman ako ng hindi na pilit pero hindi padin yung ngiting masaya talaga. Na appreciate ko yung concern niya at pag aalala sakin, thankful ako na may kaibigan akong katulad niya.

Nang patapos na ako mag exam parang nararamdaman kong nasususka na naman ako katulad kaninang umaga. Tinuon ko talaga yung pansin ko sa pag eexam para matapos na agad ako at pilit hindi pinapansin yung nararamdaman ko. Nakita ko si Ayomi na nagpasa na ng answer sheets niya, tumingin muna siya saakin at lumabas na.

Tinapos ko na din ang pagsasagot ko at nagmadali nang lumabas pagkatapos ko maipasa yung answer sheets ko.

Deretso akong tumakbo sa cr at nalampasan ko pa si Ayomi. Nararamdaman ko naman na nakasunod siya sakin pero hindi ako makahinto kasi nasususka na talaga ako.

Pagkapasok ko sa cr deretso agad ako sa isang cubicle hindi ko na naisirado ang pinto kaya nakita agad ako ni Ayomi.

"Okay ka lang ba talaga? Ano bang nakain mo? May sakit ka ba?." Sunod sunod na tanong niya saakin hinawakan pa niya ang noo ko para tignan kung may laganat ba ako. Nagmumog muna ako sa sink bago ako tumingin sa kaniya.

"Wala, baka nasobrahan lang ako sa pagkain. Ganito din ako kaninang umaga eh. Dahil din siguro wala ako masyadong tulog kaya nahihilo ako. Pero okay lang ako itutulog ko lang to pag-uwi." Nanlalambot na sagot ko sakaniya, nakakpanlambot sumuka.

"Sige, sabi mo yan ha okay ka lang. Tara na umuwi hahatid na muna kita magpahinga ka pag-uwi ha." Nagaalala paring sabi niya.

Habang pauwi kami nagiisip ako kung bakit nga ako ganito malakas parin naman akong kumain at wala naman akong lagnat. Biglang may sumagi sa isip ko pero ayaw kong isipin yon kaya pilit kong itinuon ang pag-iisip ko sa ibang bagay.

Hindi pwede yon...


Her Destiny Where stories live. Discover now