"Ate!" Sigaw ni Che nang makita niya ako sa gate ng bahay nila. She was smiling from ear to ear. Kaagad niya akong hinawakan sa kamay at hinila papasok ng pinto. "Grabe, sikat na sikat ka na!" Sigaw niya na ikinatawa ko. Kaso may KJ sa likod.
"Tama na 'yan." Saway ni Paulo sa kanya at saka ako hinawakan sa kamay para hilahin papasok ng dining room. Nandoon ang mama niya at naghahanda ng mga pagkain. Ngumiti siya nang makita ako.
I smiled back before handing her the bouquet of flowers that I bought. "Happy birthday po." Bati ko sa kanya. I don't know how to address her, so I just cut it off on that part. I was too nervous the whole time. I have met them before, but this feels different. Tulad ng karaniwang reaksyon ng tao, binati nila ako for my win. Sobrang hanga raw sila sa nagawa ko. Especially how I was able to throw away that medal for the sake of life. Simpleng ngiti lang ang naisagot ko sa sobrang kaba. Lalo na nang matapos kaming kumain at nag-ask ang mama ni Paulo na iwanan ako para tulungan siyang magligpit ng pinagkainan.
"Alam mo Joerrelle, hindi ko alam na darating ang araw na 'to. Yung magdadala ng babae ang anak ko dito sa bahay at ipapakilalang girlfriend niya." Basag niya sa katahimikan. Automatic akong napalingon sa kanya dahil doon. "Kitang-kita ko kung paano siya nagbago. Akala ko may problema na sa utak 'yang anak ko. Mabuti naman at wala."
We both laughed. She kept sharing lots of stories about Pau. I can't help but to laugh with all those stories.
"From now on, tawagin mo na rin akong Mama." That's the last thing I've heard before Pau decided to bring me home.
The next day, kailangan kong pumasok sa school. Two days lang ang ibinigay ng training center na free days pero sinabi kong papasok ako ngayon kaya naging tatlo ang sa'kin.
"Good morning, Elle!" Bati ni Kuya Dave sa akin. I don't know what's with him. Nagtanong siya kagabi kung nasa bahay ako ngayon. Noong sinabi kong oo, sinabi lang niya sa akin na dito daw kami mag-breakfast para sabay na kaming pumasok.
"Congratulations." Dad commented out of nowhere. Pagkarating ko kasi dito sa bahay galing training center, wala silang lahat dahil out of town daw. Kagabi sila umuwi but we won't be able to meet since I got to bed early. In other words, ngayon lang kami nagkita-kita kaya ngayon lang niya ako binati. I don't even know how to react.
"I can't help but to brag her with my friends." Ate Demi added and giggled in excitement. Nilingon ko si Kuya Dave na nakangiti sa akin. Inirapan ko siya at walang salitang umalis sa mesa. I heard Aleesha cursed me but I did not give a damn. I just walked as fast as I can to escape from the suffocating house.
"Elle!" Kuya Dave shouted and held my elbow. Before I could protest, nahila na niya ako papunta sa parking at isinakay sa kotse niya.
Tahimik lang ako sa tabi niya. Ilang beses siyang lumingon sa akin pero pinili na lang din niya na manahimik. I closed my eyes. Kahit ilang araw na kaming walang training, pagod na pagod pa rin ang katawan ko.
"Are you going back to Batangas tonight?" Tanong sa akin ni Kuya habang nasa gitna kami ng traffic. Tumango lang ako bilang sagot.
"Ihahatid ako ni Pau." I uttered after sensing that he's going to offer to bring me to our training center.
"You are not allowed to go to public Elle. You can't just ride a public transportation whenever you want to. There's a lot of reporters out there who were waiting for your interview-"
"I know." Walang gana kong sagot. Halos mapa-face palm ako nang makita ko ang harap ng university namin na may mga naghihintay na reporters. Pinag-uusapan pa lang namin, nandito na kaagad sa harapan ko.
