A week passed by just like that. After that dating booth happened, wala na masyadong nangyari bukod sa araw-araw na gawain sa school dahil finals na. Yeah, another school year is about to end but my fucked-up mind couldn't think of anything.
Si Paulo, hindi ko na ulit nakausap. That weird guy insisted to call me by a weird name, but he just acted as if nothing happened at all. I can't help but to rant over it. Yeah, I know I'm acting like a brat but what can I do? That dumbass treated me like nothing after he said those...
"Baka hindi ka talaga bet. Hayaan mo na. Marami pa namang iba diyan. Marami rin naman ang may gusto sa'yo. Hindi mo siya kailangan." Saad ni Ariesa nang makita niya akong nakatingin na naman kay Paulo na kadadaan pa lang sa harapan namin. I shook my head and continued eating my food. Tambay kami sa canteen dahil walang klase sa Filipino. I watched their group vanish before Ariesa and I dashed out from the cafeteria to attend our next class which is MAPEH.
"So, I have an announcement to make!" Ma'am Diana explained as soon as she entered the classroom. Natahimik naman kaming lahat. Mga kuryoso sa kung ano man ang ia-announce niya sa amin. "Wala na kayong final exam sa subject ko!" Nagwala sa sobrang tuwa ang karamihan sa amin. Ibig sabihin kasi noon ay apat na subject agad ang mawawala sa listahan ng rereviewhin. Malaking bawas sa stress naming lahat.
"But don't celebrate yet," putol niya sa kasiyahan naming lahat. Inilabas niya ang laptop at inayos ang set up ng projector katulong ang pabida naming kaklase. We're silent, waiting for her to finish although may hint na ako kung ano 'yun. For sure practical na naman. Groupings siguro.
Nag-play siya ng video. Seven guys were dancing hip-hop. They were all laughing on the video dahil halatang hindi nila memorized ang steps ng sayaw. Dinig na dinig din ang kantyawan ng mga kaklase nila sa background. Wala namang tigil si Ma'am Diana sa pagsaway dahil hindi na masyadong marinig ang tugtog.
"You still have three weeks to prepare for this kind of performance. You can sing, you can dance, you can act. Anything you want but this time, I want it to be by twos."
"Ma'am baka naman pwedeng limahan!" Hirit ng mga kaklase namin sa kabilang side. Mga lalaki 'yun na madalas magdala ng libro ni Ma'am Diana ng libro sa faculty office at mga inuutusan ni Ma'am para magbura ng writings sa board kaya malakas sila sa kanya.
"No. My decision is final." Saad niya at saka inilabas ang jar na may laman na makukulay na papel. "This would be the last time na magkakakaroon tayo ng meeting dahil ibibigay ko na ang oras ko para sa practice niyo. Kapag may tanong, puntahan niyo lang ako sa office." She added while mixing the papers thoroughly. She's dead serious when he said that it was her final decision.
She sat on the table and opened the jar. Bumunot siya ng isa bago tinawag ang apelyidong "Lopez!" Nagtaas ng kamay si John bago tumayo. Muling inalog ni Ma'am Diana ang jar bago kumuha ng isa pang papel at tinawag ang pangalan ng isa pa naming kaklase.
Nagtuloy-tuloy 'yun pero hindi pa rin natatawag ang pangalan ko.
"Monteclaro!" Tawag niya sa apelyido ni Ariesa bago sunod na tinawag si Christian na isa sa pinakapasaway na kaklase namin. Walang nagawa si Ariesa kun'di ang sumimangot habang tawa naman ako ng tawa. Kawawang bata.
