Days went on. Nalaman ko na lang na isang araw na lang bago ang graduation. Maaga kaming pinauwi pero ang mga siraulo naming kaklase, nag-decide na mag-stay daw muna kami sa classroom.
"This would be the last time that we are able to sit here like this. Let's enjoy the moment. Walang KJ!" Our President announced. We all cheered and sat on the floor. Paulo started strumming his guitar as we started to sing heartily. I just let myself smile. At least, there are times that I am happy.
These girls and guys had been become a great part of my life. I've learned a lot with them. I grew up with them. I've experienced a rollercoaster of emotion. These memories will always be carved on my mind. Mag-senior high man kami. Maghiwa-hiwalay. They always have a special place in my heart. Once in my life, I felt belong.
"Syempre bago ang graduation, hindi mawawala ang open forum!" Announce ni Ariesa kaya nagreklamo ang mga lalaki. They really hate this kind of activities. Pero kahit naman magreklamo sila ay wala naman silang magagawa kaya umupo rin silang sa mga spaces na pwedeng upuan. We form a circle in the middle of our classroom with a bottle on our middle.
"I'll start. Ako ang unang magsasalita at mag-iikot ng bote tapos ang matapatan ay siya ang sunod." Pagpapaliwanag niya sa amin. Parang hindi namin alam kung anong gagawin dito. Gasgas na ang larong 'to. Mula noon hanggang ngayon, ito na ang larong ginagawa ng lahat. Kadalasan, ito rin ang dahilan ng away.
"First, I want to say sorry. Alam kong hindi ako perfect leader. I have a lot of shortcomings. Minsan nape-pressure ko kayo. Sorry kung mayroon akong nasaktan. Sorry kung mayroong nagalit sa akin." She's just starting but everyone's already crying hard.
Sabi nila parte daw ng isang classroom ang plastic na tao. Pero dahil isa kaming pamilya ay walang ganoon sa amin. Minsan nag-aaway kaming lahat. Minsan nagkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan pero bago matapos ang araw nagagawan din naman ng paraan. We were siblings inside this classroom. Magkakaiba kami ng point of view. May kanya-kanyang paninindigan pero ang mahalaga, naiintindihan namin ang bawat isa.
Isa-isa na silang nagsalita. Everyone's crying. 'Yung mga lalaki ay pinagtatawanan ang ilan. Hanggang sa tumapat ang bote kay Paulo. Everyone got silent. Tumawa siya bago lumingon sa akin.
"Thank you sa pagtanggap sa akin na parang nandito ako mula simula." Saad niya. Everyone's waiting for him. Para bang isa siyang mahalagang tao sa aming lahat. I smiled as I realized that we are equally treated. I am happy that he never felt like he was an outcast. "I was never open with you pero maniwala kayo o hindi, naging masaya ako sa ilang buwan na kasama ko kayo."
"This isn't the end yet. Alam kong magkikita pa tayo." Saad niya bago muling lumingon sa akin. I smiled and gave him a thumbs up. Ngumiti siya pabalik at nag-salute.
"Usapang classroom hindi usapang jowa!" Saad ni Ariesa bago ako siniko. Tumawa ako ng mahina.
Maya-maya lang din ay tumapat ang bote kay Ariesa. Nanlaki ang mata niya at pinaypayan ang sarili na para bang naiiyak na. "Hindi pa ako nagsisimula pero naiiyak na ako!" Reklamo niya habang nangingilid ang luha. Nagtawanan kaming lahat. Buong message niya ay wala akong naintindihan dahil puro lang ako tawa. Nangingilid na nga ang luha ko sa sobrang paghalakhak sa kanya.
Napahinto lang ako nang tawagin ni President ang pangalan ko. I gave her a questioning look and she pointed the bottle. Nakaturo na pala sa akin. Turn ko na pala. I collected myself and smiled. I have never been a crybaby girl. As long as I can, I don't let anyone see me cry. "Sorry for being the top." Pagsisimula ko at saka tumawa. That's something I shouldn't be sorry for pero naisip ko lang na parang unfair na nandito ako.
