"Ma, okay lang talaga sa akin." Saad ko kay Mama saka siya hinawakan sa magkaparehong kamay. These past days, I've been hearing my parents arguing about money. Nasa Australia si Papa pero hindi sapat 'yun para suportahan kaming lahat. Nasa college si Kuya, pareho naman kami ni Che na naka-enroll sa private school. Bukod sa tuition, may mga libro pa kaming dapat bayaran.
"Anak, hindi mo na dapat—"
"Ma... Ayos lang po talaga ako. Saka isa pa, gusto kong maranasan sa public school. Gusto kong magkaroon ng bagong karanasan."
Sa huli, wala silang nagawa kun'di ang hayaan akong mag-transfer.
"Starting today, Mr. Nase will be joining us." Announce ng adviser namin sa buong klase. Nakangiti silang lahat pero sa isang tao napunta ang atensyon ko. Isang babae... She's beautiful... incredibly.
"Mr. Nase!" Tawag ni Ma'am sa pangalan ko. Noon ko lang na-realize na nakatayo na pala ang babaeng kanina ko pang palihim na tinititigan. She's smiling from ear to ear... pero sinubukan kong hindi mag-react. Baka mahalata niya...
"I heard, top of the class ka sa previous school mo. She is Joerrelle Yshanna Martin, top of your batch. Mukhang siya ang makakalaban mo."
Sa ilang buwan ko sa school, sinusubukan kong talunin siya. Pero kahit isang beses hindi ko nagawa. She's smart in all aspect. Habang ako, matalino lang sa ibang subject.
"Kanino galing 'yan?" Tanong ng mga kaklase namin isang araw na may magpadala sa kanya ng bulaklak. Hindi na bago 'yun dahil maraming may gusto sa kanya. Pero sa araw na 'yun, naglakas ako ng loob na sumabay... kahit alam kong hindi siya interesado. She never once looked at me... kahit palaging sinasabi ng iba na may gusto siya sa akin.
"Nakakatakot ba ako?" Tanong ko sa kanya. She's stuttering when she answered. Wala akong ibang nagawa kun'di ang tumawa. I slipped. I gave her the name that I used to call her in my mind. In the end, I chose to ignore her.
"Sino na lang ang walang ka-partner?" Tanong ni Ma'am Diana sa aming lahat. Kaagad na kumabog ang puso ko dahil kahit hindi ako lumingon, alam kong nakatingin siya sa akin. Masaya ako pero hindi ko maiwasang kabahan. We have to meet several times... baka mapansin niya.
That being said, we agreed to meet that weekend. When I saw her in the waiting shed, wearing a dress, I lost it. She look like an angel. Nang makita niya ako, awtomatiko siyang ngumiti. I wanted to smile back pero mas nanguna ang inis ko sa mga lalaking nakatitig sa kanya ngayon. Kung titingnan siya, obvious na obvious na hindi siya belong sa amin. Mukha siyang makinis at mayaman.
"Nag-chat ka dapat sa akin!" Sigaw ko sa kanya. After I saw her eyes glistened, tumalikod ako. I hate it that I am hating her when I should have hating myself.
"Crush mo?" Tanong ni mama nang makabalik ako matapos ihatid si Joy.
Gusto ko.
"Tumitingin, mula sa malayo." It was another day, we are inside their house, particularly her music room. That moment, I realized that she's not just well off. She's rich... Tama lang na gustuhin ko siya mula sa malayo. I like her since then, I guess I have to keep it myself forever.
"Gusto kong malaman mo, na gusto kita." I stared at her eye. Ayaw kong iparating sa kanya ang feelings ko. Pero parang kusang gumagalaw ang katawan ko... ang puso ko.
"Ah, hindi, mahal kita." I ended the song. Matagal pa kaming nagtitigan bago ako nagbawi ng tingin. That was my original song for her. Masaya ako na nakanta ko 'yun sa harap niya pero natatakot din na baka mahalata niya ako... ang nararamdaman ko.