Chapter 4

291 37 5
                                    


"Sama ka na Paulo. Minsan lang naman. Saka last na 'to, pagbigyan mo na kami!"


It's been hours but they still kept on bugging him. May plano kasi silang get together sa Saturday at Sunday. Last time daw bago mag-graduate. Naiintindihan ko naman si Paulo. Exam na namin next next week. Sayang ang oras sa pagala-gala nila. Buti sana kung nagplano sila after graduation kaso napili pa nilang bago mag-exam. Kaya 'yun, I am silent with it, but I won't join.


"KJ naman!" Saad ni Kyla at saka padabog na naglakad palayo. Tumawa ako ng mahina. Napalingon si Ariesa pero umiling na lang ako bago nagsulat sa iPad ko. Sanay kasi akong mag-digital notes. Bukod sa hindi mawawala, mas madaling dalhin kahit saan.


I looked at Paulo and he's busy reading his notes too.


Kahapon, nagulat talaga ako nang sinabi niyang sa bahay kami. Not that bawal na pumunta siya. My dad never prohibited me to do so but it really feels so wrong. In the end, sinabi niyang nagbibiro lang naman siya kaya tumambay na lang kami sa cafe malapit sa school.


So, we're just going to sing and play guitar as well. But we planned to make an original song and that's way too hard kaya kailangan talaga namin ng time. Complicated masyado kaya sobrang discouraged kami na ituloy.


"What if kumuha na lang tayo ng tune tapos palitan na lang natin ng lyrics?" Saad ko sa kanya pero inilingan niya lang ako. One thing I've learned about him, he's too passionate when it comes to music. For him, this isn't just a mere project but also his music.


Our music.


"What's our plan. About what ang song na ipeperform natin?" Tanong ko sa kanya. Mahirap talagang gumawa nang may kasama. Kung ako lang kasi, kaya kong gawin ng two days. Pero dahil by partner, I really have to ask for his opinions, wait for his approvals and such.


On the other hand, it's okay that I have him as my partner. I am kind of confident that this will be an awesome work.


I'll get a good grade with this.


I believe with his talent.


I believe in Paulo.


"We'll stick with the song entitled Enchanted. Ako na ang bahalang mag-arrange." Saad niya at saka pinatay ang phone bago inilagay sa bulsa.


"Mawawalan ako ng ambag. Ayaw ko namang maging pabuhat!" Pagmamaktol ko kaya tumawa siya.


"Hindi ka naman magiging pabigat dahil kaya ko 'tong tapusin within a day. Kung may revisions ka, pwede nating palitan. Isa pa, dalawa tayong magpe-perform." Sagot niya sa akin kaya tumango na lang ako.


Ganoon lang kami araw-araw. After class, diretso kami sa kung saan para mag-conceptualize. Maganda 'yung distribution niya. Noong una natawa pa ako dahil mahirap i-execute 'yun pero ipinaalala niya sa akin na we are performing, and we have to think of ourselves as someone who are inside the song.

Behind The ScenesWhere stories live. Discover now