"Nakakahiya." Bulong ko kay Paulo habang naglalakad kami sa hallway papunta sa cafeteria. Sino ba naman kasi ang maglalakad sa gitna ng school na naka-handcuffs kahit hindi naman Valentine's Day at walang program sa school. Yeah, ipinosas kami ng mga siraulo naming mga kaklase. Of course, we both wanted to remove the shit.
Kaso hindi namin alam kung sino ang may hawak ng susi nito. Kung alam ko lang na gaganituhin nila kami, sana ay hindi na lang ako natulog. Gusto kong sisihin si Paulo pero hindi rin naman niya kasalanan.
"Sa labas na lang tayo?" Tanong niya nang makarating kami sa cafeteria at nakitang puno na ang lahat ng mga mesa. As expected pinagtinginan kami pero hindi ko na sila pinansin at hinila na lang si Paulo papunta sa labas ng school. May mga kainan naman sa malapit. May restaurants at carinderia doon. We have a lot of choices.
"If you're uncomfortable, I think we can do something about this?" Tanong niya habang naglalakad kami. Simpleng iling na lang ang isinagot ko. Kaya namang sirain 'to ng tools kaso ayaw ko namang may masaktan sa aming dalawa. Isa pa, he's cool with it so I think, I can deal with this too. Halos manlaki ang mata ko nang hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa loob ng jacket niya nang walang sinasabing kung ano. We looked like holding each other's hands. Hindi na lang ako nagsalita.
When we reached the nearest fastfood, magkatabi kaming pumila nang tahimik. I am still sleepy at idagdag pang badtrip ako sa trip ng mga kaklase namin. Totoo pala 'yung kasabihan na magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
"What do you want to eat?" Tanong niya sa akin bigla kaya napabalik sa katauhan ko ang aking utak na busy sa pagpatay sa mga kaklase ko. I smiled and pointed everything. Tumawa pa siya nang ma-realize niya kung gaano karami ang naging order namin.
Siya ang nagdala ng tray habang nasa gilid niya lang ako habang naghahanap kami ng mauupuan. Maraming tao sa ground floor that's why we decided na sa taas na lang kumain. Sakto dahil kaming dalawa lang ang nandoon. It was kind of different because at this hour dapat puno na dito ng customers. Well yeah, it doesn't matter right now.
We decided to sit on the chair beside the glass wall. Mula sa pwesto namin ay kita ang mga sasakyan na dumadaan. Kita ang mga batang nagtatawanan. Mga pamilyang naglalaro. I can't help but to feel envy. I noticed Paulo staring at me. I'm sure he wanted to say something, but I smiled and started eating. I don't want to cause trouble to anyone. I am no one's responsibility in the first place.
A crew came near us holding another tray. Ibinaba niya ang laman noon bago kinuha ang number sa mesa namin. "Order mo?" Tanong ko sabay turo sa sundae sa harapan namin. Kinuha niya 'yun at ipinatong sa harapan ko.
"Sa'yo yan. Baka sakaling mawala ang init ng ulo mo." Saad niya at saka tumawa bago nagsimulang kainin ang rice niya. I smiled as I saw him eat then I started eating my food too. Nag-order ako ng spaghetti, burger, chicken at fries. Gutom na gutom ako, bakit ba?
We were silently eating when I heard a shutter of a camera. There's Paulo chuckling while taking a lot of pictures of me. Sinamaan ko siya ng tingin. Kinuhanan niya pa ako ng isang picture bago bumalik sa pagkain niya na parang walang nangyari.
"You didn't even care about what's happening kaya nalagyan tayo ng ganito!" Reklamo ko sa kanya. Tumawa siya at umiling. He's not taking me seriously. What am I? A walking joke?