Before, I love nights. I love how peaceful night is. The cold blow of the wind, and sometimes it is warm. The small light from the moon above.
But now, I don’t want to see the dark night again. I don’t want to see the light of the moon. Because it reminds me of him.
“You look like shit, Mwezi. Ganito na lang ba talaga palagi ang aabutan ko sa tuwing pupunta ako rito sa apartment mo?” si Vianna.
Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko. Umupo ako ng maayos at tiningnan ang kaibigan kong kararating lang. It’s six in the evening. Anong ginagawa niya rito?
“Anong trip mo na naman at nandito ka?” tanong ko. Inignora ang sinabi niya kanina.
Inirapan niya ako at agad sinalampak ang sarili sa kama ko. May balak yata siyang matulog dito. May dala siyang isang bag na nasisiguro kong may damit na pamalit niya. Ano na namang problema niya?
“Sleep over ako rito. Mukhang uubusin mo na naman kasi ang buong gabi mo sa pag-iyak,” sagot niya.
Hinawi ko ang buhok kong hanggang baywang na ang haba. Maybe I should cut this. Masyado na ring sagabal sa akin ang mahabang buhok. I can’t maintain this straight and healthy hair. Ilang araw na nga akong hindi nagsusuklay.
“Can’t move on, eh?” may pang-asar pa sa tono niya habang nakatingin sa buhok ko.
Well. I promise to myself that I won't cut my hair unless I moved on already.
And it’s been fucking four years. Umabot na sa baywang ko ang haba ng buhok ko. Nakakatawa na naghihintay pa rin ako sa kaniya. Na baka kasi pwede pa. Na tulad ng araw at buwan na may pagkakataong magkasama: eclipse, baka gano’n din kaming dalawa. Baka bigyan ulit kami ng pagkakataon ng tadhana na muling maging isa.
“I’ll cut this maybe tomorrow or the next day,” sabi ko sa kaniya.
Bumakas ang gulat sa mukha niya. Ilang taon na rin naman kasi. Baka nga wala na talaga kaming pag-asa ni Ravi. Baka nga hanggang doon na lang talaga kami. I need to move on. I need to let him go. I need that for myself. I need to love myself now. ’Coz the last time he chose to leave me, I lost myself, too.
“Wow... Are you sure?” naninimbang na tanong niya.
I smile at her. “Yes. Tomorrow is exactly four years that we’re not together, Vianna. I need to move on,” mahinang usal ko sa huli.
Inangat niya ang dalawang kamay at pumikit. “Sa wakas! Finally! Finally! Natauhan ka na rin, Mwezi!” malakas niyang sabi.
Hindi ko na napigilang mapairap sa kaniya. Umalis ako sa kama at humarap sa malaking salamin ko. Nakita ko kung gaano kapula ang mata ko sa kaiiyak kanina.
“Magluluto lang akong dinner,” sabi ko.
Tinali ko ang mahaba kong buhok. Mas lalo lang naging mataray tingnan ang aura ko dahil sa ginawa kong iyon. Gaya ng madalas sabihin ni Vianna, kahit mapisngi ako ay nagmumukha pa rin akong mataray dahil sa mga mata ko. Cute na mataray nga raw sabi niya pa.
“Kung bukas ka magpapagupit, pwede kitang samahan. I am free tomorrow,” sabi niya. Nakasunod pa siya sa akin.
Agad akong pumunta sa kusina para maghanda ng hapunan namin. Kung ako lang sanang mag-isa ngayon ay wala talaga akong balak na kumain. Pero dahil nandito si Vianna, hindi niya ako hahayaang hindi kumain ngayon.
“Okay. Bukas ng umaga na,” sagot ko.
Adobong manok ang niluto ko para sa aming dalawa. Kung may matitira man, gagawin na lang naming almusal bukas. Kailangan ko na ring maggrocery dahil ubos na ang stocks ko rito sa apartment. Wala rin naman akong pasok bukas dahil sabado.
BINABASA MO ANG
Notre Éclipse (Notre Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: April 10, 2023 Ended: May 28, 2023 Mwezirean De Silva wants to become a Published Author. She keeps on writing and expressing her thoughts. Her name, mwezi means moon. And he met Ravi: A cold and mysterious...