“Let’s have a race! Let’s have a race!” rinig ko pang sabi ni Helios.
Nakasampa siya sa balikat ng Papa niya. Nakapwesto naman agad ang mga lalaki at handang makipagkarera sa anak kong tuwang-tuwa ngayon.
Nasa lounge chair kami ngayon ni Vianna at pinanonood ang mga lalaki na nagkakarera. Ang ingay ni Helios ang pumupuno sa resort na ’to.
“Let’s swim, Mama!” sigaw niya nang mamataan ako.
Hindi pa ako tapos uminom ng chocolates ko. Hindi pa naman sila tapos kaya malilibang pa si Helios kahit papaano.
“Tara na,” pag-aaya ni Vianna.
Naka-two piece siya na kulay puti. Hinubad ko na rin ang suot kong shorts. One piece naman ang suot ko. Sabay na kaming pumunta sa pool. Sumipol pa nga sila Garry habang pinanonood kaming lumusong.
“Parang hindi nanganak. Ang sexy sexy mo naman, Mama Mwezi!” pang-asar pa ni Garry sa akin.
Sinabuyan ko siya ng tubig para matigil. Agad pumulupot sa baywang ko ang braso ni Ravi nang makalapit siya sa akin. Si Helios ay kalaro na ni Kurzle.
“Makapangbakod, o! Pasalamat ka sa amin hindi namin iniwan ’yang mahal mo sa apat na taon na lumipas!” sabi ni Garry kay Ravi.
“Thanks,” simpleng sagot naman ni Ravi.
Sinabuyan niya ng tubig si Ravi kaya pati ako natamaan.
“Habang buhay ko na yatang dadalhin ang galit ko sa ’yo, Raj. Hindi ako mabilis makalimot gago!” sabi pa ni Garry.
Natatawa na lang ako sa kaniya. Mas apektado pa talaga siya kaysa sa akin. Hindi ko naman din siya masisisi, nakita niya lahat ng hirap ko noon.
“Ikaw lang ’yung galit pero kaibigan mo pa rin ako,” sabi naman ni Ravi.
Naiiling na lang ako sa kanilang dalawa. Nilapitan ko na lang si Helios at nakipaglaro ako sa kanila ni Kurzle. Hindi pa rin natitigil sa bangayan ’yung dalawang lalaki. Si Vianna at Kenneth naman ay may sariling mundo na.
Nang maggabi ay naisipan nilang magbarbeque at mag-inom. Pinapatulog ko na muna si Helios ngayon dahil masyadong napagod sa pagswimming. Abala sila sa labas para ayusin ang mga kailangan para sa inuman na naisip nila.
“Want to drink?” tanong ni Ravi sa akin.
Iniwan namin si Helios sa kwarto. Sanay naman siyang natutulog mag-isa sa higaan. Kapag nagigising naman siya ay hindi naman siya umiiyak.
“Yes. Pero konti lang,” sagot ko.
Nakapwesto kami ngayon sa pabilog na lamesa. May mga pagkain na rin at alak. Pinaupo ako ni Ravi sa tabi niya. Nasa tabi ko naman si Garry. Hindi siya papayag na hindi kami magkatabi.
“Kung hindi ko lang talaga alam na may girlfriend ka, Garry, iisipin kong bet mo talaga si Mwezi,” sabi ni Vianna.
Garry hissed. Ravi scowled. Natatawa talaga ako sa dalawang ’to. Magbabangayan na naman ’yan maya-maya.
“Para ko nang kapatid si Mwezi. Saka hindi ganiyan tipo ko sa babae,” sagot ni Garry.
“Oo, ang gusto mo kasi sa babae, ’yung hindi ka gusto,” sabi naman ni Ravi.
Pigil ang tawa ko sa sinabi niya. Pero totoo naman talaga. Mas gusto ni Garry na may thrill yata. Hindi niya kasi nakuha agad ang girlfriend niya, naghirap muna siya.
BINABASA MO ANG
Notre Éclipse (Notre Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: April 10, 2023 Ended: May 28, 2023 Mwezirean De Silva wants to become a Published Author. She keeps on writing and expressing her thoughts. Her name, mwezi means moon. And he met Ravi: A cold and mysterious...