09

30 5 0
                                    

Medyo late akong nagising kinabukasan. Kung hindi ko pa naramdaman ang init ng sikat ng araw na nanggagaling sa bintana kong nakabukas, baka mas lalo lang akong late na nagising.

“Si Lola?” tanong ko sa pinsan ko.

Siya ang naabutan kong nandito sa kwarto at nag-aayos ng sarili. Tumingin ako sa phone ko, malapit na palang mag-eleven. Nakakaramdam na ako ng gutom.

“Nasa Riles,” sagot niya.

Hindi muna ako bumangon. Nagbukas muna ako ng facebook ko para tingnan kung may messages ba. Unang bumungad sa akin ang chat ni Ravi.

Raj Vincent:

We’re home.

Raj Vincent:

Good morning.

Kahit sa chat ay ang cold ng aura niya. Nagtipa ako ng reply sa kaniya. May chat din galing kay Vianna.

Vianna:

Beh, bored na bored na ako rito. Bakit ba kasi hindi mo ako sinama?

Natawa naman ako. Hindi naman siya pwede dahil may trabaho siya. Pwede namang sumunod siya rito kung trip niya talagang pumunta.

Ako:

Sa apartment ka ba naglalagi?

Wala akong natanggap na reply. Bumangon na ako at nag-offline na. Mag-aasikaso na ako ng sarili ko dahil anong oras na. Nagugutom na rin talaga ako. Naging brunch na tuloy dahil late na akong nakakain ngayon.

Pagkatapos kong mag-asikaso ay nagpasya na akong pumunta rin sa Riles. Wala naman akong gagawin sa amin. Nakapaglinis naman na ako sa bahay kanina bago ako gumala.

“Hello, baby girl!” bati ko sa pinsan kong maliit.

Ang dami kong pinsan at pamangkin. Mahilig ako sa bata pero kapag sobrang kulit, minsan ang sarap na lang talaga nilang ihagis.

“Kailan ka pa nauwi, Mwezi?” tanong ng isang tita ko na hindi ko naman sobrang ka-close.

“Kahapon lang,” sagot ko.

Nakipaglaro ako sa mga pinsan kong nandito. Si Lola naman ay naki-ki-pagkwentuhan.

“Kumain ka na ba?” tanong naman ni Tita Ella. Ka-close ko ’to, asawa ng tito ko na anak ni Lola.

“Katatapos ko lang. Tinanghali ako ng gising, e.”

Inabot kami ng ala una bago nagpasyang umuwi si Lola. Sabi niya ay magrereklamo na raw si Lolo pag-uwi namin dahil wala pang pananghalian.

Iyon ang naging routine ko araw-araw. Kapag nagigising ay mag-aasikaso ng sarili at maglilinis sa loob ng bahay. Kapag walang magawa ay pupunta sa riles para laruin ang mga pinsan na maliliit.

“Anong oras ka ba aalis bukas?” tanong ni Tita Panz.

Nakagayak na ang mga gamit ko. Uuwi na ako bukas. Maglalaba pa kasi ako at syempre maglilinis sa apartment ko. Ika-limang araw ko pa lang dito ngayon, may dalawang araw pa akong natitira sa leave ko at pinlano ko na ngang ilaan iyon sa paglalaba at paglilinis.

“Mga eight siguro, para hindi gabihin sa biyahe,” sagot ko.

Ihahatid niya kasi ako bukas sa bayan. Sayang nga naman ang ibabayad sa tricycle kung mamamasaheros pa ako bukas papunta sa bayan. May motor naman si Tita Panz, ihahatid niya na ako bukas.

“Chat mo na lang ako kapag magpapahatid ka na,” sabi niya naman.

“Sige.”

Inubos ko ang oras ko sa araw na ’to sa pakikipagkulitan sa mga pinsan ko. Alas tres ng hapon ako umuwi sa amin at nagpasyang magsulat na lang. Inaya ko ring magmeryenda sila Lola ng coke at tinapay.

Notre Éclipse (Notre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon