38

31 5 0
                                    

Si Garry na ang inutusan kong sumundo sa dalawang bata. Naiwan ako para makapagluto ng lunch. Nagtext si Ravi sa akin kanina, by two raw nandito na siya. Sinabi ko rin sa kaniya na nandito si Garry.

“Magbo-bowling nga tayo pero hindi pa ngayon. Sa weekend na lang,” rinig kong sabi ni Garry.

Nasa kusina pa rin ako hanggang ngayon dahil hindi pa ako tapos magluto. Dumiretso naman silang tatlo rito.  Yumuko ako para halikan ang dalawang bata.

“Mama, I have three star!” masayang sabi ni Hazel sa akin.

“Wow! Very good naman ng baby girl ko,” nakangiting sabi ko naman at niyakap siya.

“I got two stars, Mama,” sabi naman ni Helios.

Pati kilos niya nagagaya na sa Papa niya. Masyado talagang malamig ang mga titig nilang mag-ama.

“Very good. Mama is proud of you both.”

“Bihisan mo na muna sila. Ako na magtutuloy nitong niluluto mo,” sabi ni Garry.

Akay ko ang dalawang bata papunta sa kwarto nila. Hinayaan ko na si Helios dahil kaya naman na raw niyang magbihis. Si Hazel na lang ang pinagtuunan ko ng pansin.

“Uuwi si Papa ninyo mamayang two pm. Mauna na raw tayong maglunch,” sabi ko sa kanila.

“Magplay kami ni Papa!” masayang sabi ni Hazel.

“Yes, pwede kayong magplay mamaya,” sang-ayon ko naman.

Nang matapos ko siyang bihisan ay nagtatakbo na siya palabas para guluhin ang tito Garry niya. Si Helios ay naiwan naman kasama ko.

“May problema ba, anak?” tanong ko dahil pansin kong tahimik siya.

Lumapit siya sa akin at umiling. “Nothing, Mama.”

Tinitigan ko siya. Halatang may bumabagabag sa kaniya pero hindi niya lang masabi iyon.

“Are you sure?” tanong ko ulit.

Bahagya siyang ngumuso. “Mama, bawal na ikaw magkababy ulit?” tanong niya sa mahinang paraan.

Medyo nagulat ako. Hindi naman niya alam ang bagay na ’to, kanino niya kaya nalaman?

“Hindi na pwede, e. Kanino mo nalaman?” tanong ko sa mahinahong paraan.

“Mamita told me. Gusto ko pa kasi ng kapatid para may playmate si Hazel, but Mamita told me you can’t have a baby anymore.”

Tipid akong ngumiti. “Pwede namang ikaw na lang ang playmate ni Hazel. Ayaw mo ba siyang kalaro?”

“Gusto ko... But I’m boy. I want another baby sister so Hazel have a playmate.”

Bata pa siya kaya hindi niya pa naiintindihan ang kalagayan ko. Matalino man siya, may mga bagay pa rin talaga na dapat ipaliwanag nang maayos sa kaniya.

“Mama can’t have a baby, Helios. Simula nung nawala ang baby girl sa tummy ko, sabi ng doctor bawal na ulit akong magkababy. Kaya nga inampon namin si Hazel para hindi ka malungkot na mag-isa ka lang,” paliwanag ko.

He slowly nod at me.

“Okay, Mama. Si Tito Garry na lang. Kapag may baby na siya, may playmate na si Hazel.”

Gusto kong matawa bigla. Si Garry pa talaga naisip niya. Single na ang tito Garry nila ngayon, malabong magka-anak agad iyan.

“Let’s go? Okay ka na?” naninigurong tanong ko ulit.

“Yes, Mama.”

Pagkalabas namin ay nagulat pa ako na nandito na agad si Ravi. Twelve fourty pa lang. Ang aga niya naman yata.

Notre Éclipse (Notre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon