“See you tomorrow,” sabi ni Ravi.
Hawak niya ang kamay ko. Nasa kotse na nga ang mga kaibigan niya pero siya ay nandito pa rin sa harapan ko at ayaw akong bitawan.
“See you,” sabi ko rin naman.
Naghihintay na sa kaniya ang tatlo pero hindi pa rin siya natitinag. Nakatitig siya sa akin at parang may hinihintay pa na sabihin ko.
“Raj, bro! Magkikita pa naman kayo bukas. Tama na ’yan!” sigaw ni Garry.
Ravi scowled. “You fucker! Wait a minute!” he shouted, too.
I chuckled. “Sige na. Magkita na lang tayo bukas sa restaurant,” sabi ko.
Binawi ko ang kamay kong hawak niya. Napadako ang tingin niya ro’n pero agad ding binalik sa mata ko pagkatapos.
“Kenneth wants to drink,” aniya.
“Okay,” mabilis kong sang-ayon.
His one eyebrow raised. “Can I drink?” tanong niya.
I nod as an answer.
“Are you sure? You’ll not get mad?” tanong pa niya ulit, bahagyang nilalapit ang mukha sa akin.
Natawa na ako. “Bakit ako magagalit? C’mon, iinom lang naman kayo ’di ba?”
He nod. “Yes, we’re staying in our house,” he answered.
“Iyon naman pala, e. Okay lang naman sa akin kung iinom kayo,” sabi ko.
Nakatitig lang siya sa akin na para bang inaalam kung totoo ang mga sinasabi ko. Ngumiti ako sa kaniya para mas maniwala siyang okay lang iyon sa akin.
“Matagal pa ba?” tanong ni Kurzle.
Napatingin na tuloy ako sa banda nila. Nakadungaw na silang dalawa ni Garry sa backseat. Nakasarado naman ang front seat kaya hindi ko makita si Kenneth.
“No girls allowed, Garry. Lagot ka sa akin kapag nalaman kong may babae kayong kasama sa inuman mamaya,” sabi ko at tinuro pa sila.
Tinawanan nila ako. “Yes, Ma’am! Don’t worry po, hindi kami gago para bigyan pa ng babae ang boyfriend mo,” sabi naman niya.
Naramdaman ko ang braso ni Ravi na pumulupot sa baywang ko. Maging ang mainit niyang hininga ay naramdaman ko rin sa tainga ko.
“I’ll behave, baby.”
Sa huli ay hinatak na nga ni Garry si Ravi dahil sa tagal nitong bumalik sa kotse. Hinintay ko pa silang makaalis bago ako pumasok sa loob. Naabutan ko si Vianna na nakatutok sa tv ang atensyon, nanonood ng youtube.
Tumabi ako sa kaniya sa sofa. Feeling ko nag-away sila ni Kenneth. Hindi sila masyadong nag-usap kanina at hindi niya man lang ako sinamahan na ihatid ang mga iyon sa labas kanina.
“May away kayo?” tanong ko.
Hindi niya ako pinansin. Nanatiling nakatutok lang siya sa tv. Bahagya ko siyang siniko para kunin ang atensyon niya. Salubong ang kilay at halatang inis siya sa ginawa ko, bumaling siya sa akin.
“Nag-away ba kayo ni Kenneth?” tanong ko ulit.
Inirapan niya lang ako at binalik ulit ang tingin sa tv. Akala ko hindi siya sasagot, sisikuhin ko sana ulit.
“I broke up with him,” sabi niya.
Umawang ang bibig ko dahil sa gulat. Si Kenneth ang boyfriend niya na tumagal sa kaniya. Ano kayang nangyari?
BINABASA MO ANG
Notre Éclipse (Notre Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: April 10, 2023 Ended: May 28, 2023 Mwezirean De Silva wants to become a Published Author. She keeps on writing and expressing her thoughts. Her name, mwezi means moon. And he met Ravi: A cold and mysterious...