Kagaya ng sabi ko kay Ravi, hindi nga ako pumasok sa araw na ’to. Nagtext ako kay Ma’am na hindi ko talaga kayang pumasok ngayon. Naiintindihan naman daw niya iyon at magpahinga na lang ako.
Nakahiga lang ako at hindi pa makabangon dahil masakit pa rin ang puson ko. Wala si Vianna ngayon dahil may trabaho. Gano’n din naman si Ravi. Kaya ko namang mag-isa, hindi naman na sobrang sakit tulad noong unang araw ko.
“Mwezi?” rinig kong tawag sa akin mula sa labas.
Pinilit kong bumangon kahit nahihirapan ako. Wala pa akong ka-ayos ayos dahil ngayon lang naman ako bumangon.
“Oh? Anong ginagawa mo rito?” tanong ko kay Garry.
May dala siyang isang basket ng prutas. Nilakihan ko ang bukas ng pinto para makapasok siya.
“Hindi ako busy ngayon kaya sasamahan kita rito. Nagsabi na rin ako kay Raj, hindi naman siguro magseselos ’yon,” sabi niya naman.
“Upo ka muna. Maghihilamos lang ako,” paalam ko sa kaniya.
Dumiretso na ako sa cr at hinayaan siya sa sala. Tinali ko ang mahaba kong buhok at nagsimula na akong maghilamos. Ginawa ko na lahat ng dapat kong gawin dito sa banyo.
“Ikaw lang? Hindi susunod ’yung dalawa?” tanong ko. Si Kurzle at Kenneth ang tinutukoy ko.
“Busy rin sila. Ako lang talaga ang free ngayong araw,” sagot niya, prenteng nakaupo sa sofa ko.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig man lang para sa kaniya. Nilapag ko iyon sa table na nasa harapan niya.
“Kumain ka na ba? May gusto ka bang kainin?” tanong ko.
Sa kanilang magkakaibigan, si Kurzle talaga ang pinakatrip ko ang ugali. Itong si Garry ay sobrang kulit din at playboy, pero mas kasundo ko siya.
“Busog pa naman ako. Ikaw, baka may gusto kang kainin? Pwede akong magluto,” sabi niya naman.
Umiling agad ako. “Kababangon ko lang, wala pa akong ganang kumain ngayon,” sagot ko.
Magkatabi kami ngayon sa mahabang sofa. Hindi ko alam kung bakit pa siya nagpunta rito. Baka may iba pa siyang gagawin, bakit pa siya pumunta rito?
“Sure ka bang wala kang ibang gagawin ngayon? Okay lang naman ako rito, pwede namang maiwan ako rito mag-isa,” sabi ko naman.
Sinandal niya ang ulo sa sofa at niyakap ang unan na nandoon. Parang puyat siya at inaantok ngayon.
“Wala nga akong gagawin. Tatambay lang ako rito. Ayaw mo bang patambayin ako rito?” tanong niya naman.
Nag-indian sit na lang ako at pinatong ang isang unan sa hita ko habang nakabaling ako sa kaniya. Sakop na niya ang sofa dahil sa ayos niya. Balak yatang matulog nito.
“Pwede naman. Kung nagugutom ka na, magluto ka na lang ng gusto mong kainin,” bilin ko na lang.
Pinikit niya na lang ang mata at niyakap pa lalo ang unan. Gwapo silang apat, may kani-kaniyang kagwapuhang taglay. Kung ako ang tatanungin, mas gwapo para sa akin si Kurzle. Si Garry kasi ay masyadong halata sa mukha ang pagiging playboy.
He has sharp jawline, iyon ang kapansin-pansin sa kaniya. Mapula ang labi niya at mas pumupula pa iyon kapag dinidilaan niya. Kaya maraming babae ang nahuhumaling sa kaniya, sa titig niya pa lang ay parang kaya niya nang kuhanin ang mga ito. Kung si Ravi ay may malamig na titig, si Garry naman ay may malambing na mga tingin. Akala ko noong una ay sinasadya niya iyon pero nang tumagal ay napansin kong gano’n talaga siyang tumingin. Mapupungay ang mga mata niya.
Naging mabigat ang paghinga niya. Nakatulog na siya sa gano’ng ayos. Hindi yata nakatulog nang maayos kagabi kaya ngayon bumabawi. Tumayo ako at sinubukang ayusin ang higa niya sa sofa. Ang inosente kapag tulog, akala mo walang sinasaktang mga babae.
BINABASA MO ANG
Notre Éclipse (Notre Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: April 10, 2023 Ended: May 28, 2023 Mwezirean De Silva wants to become a Published Author. She keeps on writing and expressing her thoughts. Her name, mwezi means moon. And he met Ravi: A cold and mysterious...