We did it in his cr. And we did it again here in his bed. Kung kanina ay sobra ang sakit na naramdaman ko, ngayon ay iba na ang dulot no’n sa sistema ko.
“Ahhh...” he moaned.
Bumagsak siya sa akin pagkatapos. Both of us are tired. Parehas kaming nanghihina dahil sa nangyari. Tuluyan nang nawala ang epekto ng alak sa akin.
Ilang minuto lang ay umahon na siya. Pinikit ko ang mga mata ko dahil sa pagod. Naramdaman ko ang marahang haplos niya sa katawan ko. He’s now cleaning me. Naramdaman ko rin na sinuotan niya ako ng undies. Wala na akong lakas para magtanong pa kung kaninong undies iyon. Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na namalayan pa ang mga nangyari.
When I woke up, the first thing I want to get is my phone. Kailangan kong magmessage kila Vianna. Baka nag-aalala na sila. Basta na lang akong nawala kagabi, baka kung anong isipin nung mga ’yon.
“Good morning,” his husky voice echoed in my ears.
Nanatili akong nakahiga pero ang paningin ko ay nililibot ko na sa paligid. Tinitingnan ko kung saan pwedeng nakalagay ang phone ko.
“Where’s my phone? Kailangan kong magmessage kay Vianna or kay Garry,” sabi ko.
Hindi siya sumagot. Niyakap niya lang ako at sinubsob ang mukha sa leeg ko. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko lahat ng nangyari. Bigla ay nag-init ang pisngi ko. Dahil sa alak kaya ko nasabi ang mga nasabi ko kagabi. Ngayon, hindi ko na alam kung paano ko haharapin si Ravi.
“I texted them. They know that you’re here,” he said.
I remain silent. Hindi ko magawang magsalita dahil sa mga nangyari. Naramdaman niya yata iyon kaya bahagya niya akong dinungaw.
“What’s on your mind?” mahinang tanong niya.
Bahagya kong tinagilid akong ulo ko, salungat sa kung nasaan siya. Hindi ko siya kayang harapin dahil sa hiya ko.
“Hey. Baby, what’s bothering you?” tanong niya pa ulit.
Bahagya siyang umibabaw sa akin para makita ang mukha ko. Mas lalo lang akong namula. Binaling niya ang mukha ko gamit ang daliri niyang nasa baba ko. Nagtama ang tingin naming dalawa.
“Kaninong undies ’tong suot ko? Kay Sun ba?” tanong ko na.
Nangunot ang noo niya. “No. That’s new, I bought that in case you want to stay here in my condo.”
Hindi ako kumibo.
“Are you jealous with Sun?” tanong niya pa.
“Yes.”
I saw a small shock in his face. Noon, hindi ako nagseselos sa kahit kanino, o kahit pa sa first love niya. But now, knowing na madalas na silang nagkakasama, hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
“She’s just a friend,” sagot niya.
Napairap na lang ako. “Yeah. Mas madalas mong kasama kaysa sa girlfriend mo,” sabi ko naman.
He sighed. Umayos na rin siya ng pwesto niya. Nanatili akong nakahiga at hindi na siya binalingan.
“Madalas kaming magkasama dahil parehas kami ng schedule. We both busy in our companies, kapag may libreng oras ay lumalabas ako at madalas nakikita ko siya kung nasaan ako,” paliwanag niya.
Parehas sila ng schedule. Ako kasi ay palaging busy sa trabaho ko. Hindi ko hawak ang oras ko, hindi tulad nila na mayaman at kahit anong oras ay pwedeng pumunta sa kung saan nila gusto.
BINABASA MO ANG
Notre Éclipse (Notre Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: April 10, 2023 Ended: May 28, 2023 Mwezirean De Silva wants to become a Published Author. She keeps on writing and expressing her thoughts. Her name, mwezi means moon. And he met Ravi: A cold and mysterious...