32

33 4 0
                                    

Nakabalik na kami ng Pilipinas. Wala pa akong balita kung nahanap na ba ni Kenneth si Vianna. Pero sa tingin ko ay hindi pa, wala pa rito si Kenneth sa Pilipinas. Baka mas inuna niya ngang maghanap sa France.

"I'll be busy this whole week, wife. I need to run some errands," Ravi said.

Busy ako sa pag-aayos ng mga gamit namin ni Helios. Bukas may pasok na naman kami. Nakaayos na nga ang mga pasalubong ko para kila Rubi.

"It's okay. Magiging busy rin naman ako niyan sa trabaho. Pero ako na ang bahala kay Helios," sagot ko.

"I'll try to make time."

Kinabukasan ay inasikaso ko muna si Helios at hinatid sa school niya dahil wala si Ravi. Sobrang dami niya sigurong kailangang gawin sa company nila kaya hindi na siya nakapunta sa apartment para sunduin kami.

"I'll pick you up later, huwag kang aalis dito sa school, okay?" bilin ko kay Helios.

"Yes, Mama. Ingat ka po," sabi niya naman.

Nang masiguro kong okay na siya rito sa school ay umalis na ako para pumunta sa trabaho ko. Naabutan ko na si Rubi sa office, agad niya akong sinalubong ng yakap.

"Grabe! Isang linggo ka lang nawala pero bakit ang blooming mo?" tanong niya habang tinitingnan pa ang kabuuan ko.

Natawa ako. "Iba ang hangin ng France," birong sabi ko naman.

Kinuha ko sa dala kong bag ang pasalubong ko para sa kaniya. Ang iba ay hindi ko pa naiibigay sa mga crew namin, mamaya na lang break siguro.

"Hindi mo talaga ako nakalimutan. Thank you, sis!"

Pinabigay ko na rin ang para kay Ma'am. May mga pangalan naman ang bawat pasalubong kaya hindi na malilito mamaya kung mismong lalagyan na ang ibibigay ko sa mga crew, sila na ang bahalang magbigay sa may-ari.

"Nagkaproblema pa nga kami. Umalis si Vianna, hindi ko sure kung saan nagpunta," sabi ko.

"Baka naman gustong mapag-isa? Hayaan na muna ninyo," aniya.

Tumango na lang ako. Marami rin akong kailangang asikasuhin ngayon. I need to monitor some sales. May trainees din kami ngayon, may nag-OJT din kaya kailangan ko silang i-guide sa mga dapat nilang gawin.

"Shane, ikaw na ang bahalang magpamigay nito. May mga pangalan naman iyan," sabi ko kay Shane at inabot ang bag.

"Uy! Thank you, Ma'am!"

Hindi ko na nagawang makipagkwentuhan pa sa kanila dahil marami rin naman silang ginagawa ngayon.

Lunch time nang sunduin ko si Helios. Hindi pa siya kumakain, sabay na lang kami. Sa office na lang siya tumambay at hinayaan kong maglaro sa ipad niya. Hindi naman palagi iyon. Kapag lang kailangan talagang maiwan siya saka ko siya pinaglalaro muna.

Naging abala ang buong linggo namin ni Ravi kaya madalang kaming magkita. Kapag umaga ay maaga akong gigising para maasikaso ang mga kailangan ni Helios. Ihahatid at susunduin din siya.

"Can I talk to the Manager, please."

Agad akong lumapit nang marinig ko iyon. Si Kianna ang nakita ko. Ilang linggo na akong walang balita kay Sun. Ang babaeng nasa harapan ko ngayon ay kaibigan ni Sun.

"Yes? How can I help you?" tanong ko.

Iniwan na kami ng isang trainee namin. Ako na ang humarap kay Kianna ngayon.

"Obviously, I'm here because of Sun. Gusto niyang mag-usap kayo. I-abot ko na lang daw 'to sa 'yo."

May isang envelop siyang binigay sa akin. Kinuha ko iyon at binuksan. Isang maliit na papel ang laman no'n. May nakasulat na address na hindi familiar sa akin.

Notre Éclipse (Notre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon