Almost ten pm na silang umuwi. Naiwan si Vianna dahil dito siya matutulog. Naglinis pa kami ng mga ginamit. Nag-asikaso rin ako ng sarili ko at nagpasyang mahiga na pagkatapos.
“Ano nililigawan ka na ni Raj?” tanong niya.
Tapos na rin siyang maghalf bath. Tumabi siya sa akin pero naupo lang siya at hindi humiga.
“Yeah,” simpleng sagot ko sa kaniya.
Hanggang ngayon nga ay iniisip ko pa rin iyon. Nanliligaw raw siya sa akin, ngayon lang ba siya nagstart? Madalang kaming magkita, paano siya makakapanligaw nang maayos? Sa text manliligaw, gano’n?
“Sagutin mo na,” sabi naman ni Vianna.
Agad akong napabaling sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hindi siya nang-aasar, seryoso ang pagkakasabi niya na sagutin ko na si Ravi.
“Kasasabi lang kanina na nanliligaw pa lang tapos gusto mong sagutin ko agad?” Hindi makapaniwalang sabi ko.
She shrugged.
“Gano’n din naman, e. Magiging kayo rin naman so bakit patatagalin mo pa?” taas ang isang kilay niyang tanong sa akin.
Bumangon na ako at hindi pa rin makapaniwala sa mga sinasabi niya. Alam kong wala pa akong experience sa ganito pero alam ko naman kung paano ang mga ganitong sitwasyon. Hindi naman kailangang sagutin agad-agad.
“Kaya nanliligaw para magkaroon ng panahon na kilalanin ang isa’t-isa. Hindi naman kami nagmamadali,” sabi ko.
Sinandal niya ang sarili sa headboard ng kama ko. Nakatingin lang ako sa bawat kilos niya.
“Pwede mong kilalanin kahit kayo na. Mas okay nga iyon, e. Kasi kapag nanliligaw pa lang, syempre maganda talaga tungo sa ’yo para mapasagot ka. Kung kayo na, doon lalabas kung gaano siya ka-seryoso sa ’yo. Naiintindihan mo ba ako?” inis niya pang tanong sa huli.
Naiintindihan ko ang punto niya. Pero sa sitwasyon namin ni Ravi, hindi pwedeng sagutin ko siya agad. Sa dalang naming magkasama, hindi rin kami gaanong nagkakausap tungkol sa buhay namin, mahirap na sagutin agad siya.
“Ikaw ba? May boyfriend ka na?” tanong ko na lang sa kaniya.
She flipped her hair and smirk at me. Meron ’yan for sure. Pero ang tanong ay kung sino ang boyfriend niya.
“I have,” maarteng sagot niya. “And you know him,” dagdag niya pa.
Nangunot ang noo ko sa pagtataka. Wala akong kilalang lalaking umaaligid sa kaniya. Kung may boyfriend man siya noon, hindi ko naman nakikilala at wala rin akong balak kilalanin dahil alam kong hindi naman tatagal sa kaniya. Kailan ba siya magseseryoso?
“Don’t tell me your boyfriend is Kenneth?” medyo gulat pang tanong ko.
Mas lalong lumapad ang ngisi niya. So tama nga ako? Si Kenneth na kaibigan ni Ravi ang boyfriend niya?
“Are you serious? Hindi ba ay may nangyari na sa inyo? Hindi ka nga makapagsalita noong nagkita kayo. What happened?” sunud-sunod ko nang sabi.
She put her index finger in my lips to shut me up. Damn this girl. Paano ko nga ba naging kaibigan ang babaeng ’to?
“First, yes may nangyari sa amin. Hindi ko naman tinatanggi iyon. Second, after nung pagkikita namin dito, no’ng hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat ko na makita siya after nung one night stand namin, nagkita ulit kami.”
Inalis ko ang daliri niyang nasa labi ko pa rin.
“Tapos may nangyari na naman sa inyo?” tanong ko.
BINABASA MO ANG
Notre Éclipse (Notre Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: April 10, 2023 Ended: May 28, 2023 Mwezirean De Silva wants to become a Published Author. She keeps on writing and expressing her thoughts. Her name, mwezi means moon. And he met Ravi: A cold and mysterious...