Ravi is really waiting for the kiss. Nang makatulog na si Helios ay agad niya akong hinatak para makuha ang halik na kanina niya pa hinihintay.
“I want more,” he said in his hoarse voice.
Napairap na lang ako. Uuwi na lang, ang dami pang gustong gawin. Pero sa huli ay pinagbigyan ko na rin. Halik lang ang gusto niya pero gusto niya matagal at marami raw.
“Ingat ka pauwi. Text mo ako kapag nakauwi ka na,” bilin ko sa kaniya.
Humalik na naman. “Pwede bang dito na lang ako matulog?” naglalambing niyang tanong.
“No. May trabaho ka pa. Saka wala kang damit na pangtrabaho rito. Puro mga pambahay na damit lang,” sagot ko.
May ilang pirasong damit na siya rito. Kapag gusto niyang matulog dito ay may pamalit na siyang damit. Ngayon na gusto niyang matulog dito ay hindi pwede dahil may trabaho pa siya bukas. Every weekends ko lang siya hinahayaan dito.
He pouted. He’s acting like a child again. Hindi gagana sa akin ’yan. Hindi siya pwede rito ngayon dahil may trabaho pa siya bukas.
“Sige na, umuwi ka na. Magkita na lang tayo bukas kapag hinatid mo kami,” malambing kong sabi.
Wala rin siyang nagawa. Hinintay kong makaalis siya saka ako pumasok sa loob ng apartment. Inalis ko ang mga saksak ng mga appliances bago ako nagpasyang matulog na.
Kinabukasan ay maaga akong bumangon. Natutulog pa si Helios nang umalis ako sa tabi niya. Nag-asikaso na muna ako ng sarili ko at pagkatapos ay nagpasya na akong magluto ng breakfast namin. Seven am nang dumating si Ravi. Sakto na ginising ko na si Helios para asikasuhin sa pagpasok nito sa school.
“Good morning!” bati ko kay Ravi at humalik sa labi niya.
Humalik din si Helios sa kaniya. Inaantok pa nga si Helios pero kailangan niya nang gumayak dahil baka ma-late pa siya sa klase nila.
“Want coffee?” tanong ko kay Ravi.
He nod. “Tapusin mo na muna ang pag-aasikaso kay Helios,” sabi niya naman.
Iyon nga ang ginawa ko. Inasikaso ko na muna ang anak namin. Nang matapos ay saka naman siya ang inasikaso ko. Tahimik kaming kumakain ngayon habang siya ay nagkakape.
“Mom called last night,” ani Ravi.
Natigil ako sa pagkain at tumingin sa kaniya. Parang bumara pa sa lalamunan ko ang pagkaing sinubo ko.
“She’s excited to meet you. Gusto niya nang makita kayo ni Helios,” dagdag niya pa.
Nanunuri ang tingin ko sa kaniya. Baka mamaya sinasabi niya lang ito para hindi ako masyadong kabahan. Nalalapit na ang pagpunta namin sa France, makikilala ko na ang magulang niya.
“I want to meet my lola, Papa!” excited na sabi ng anak ko.
Ravi pat Helios’ head. Sumimsim siya sa kape niya at bumaling sa akin. Bahagyang natawa dahil siguro sa tingin ko.
“Stop overthinking, baby. Totoo ang sinasabi ko. Gusto ka ng parents ko,” he assured me.
Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Hindi ko maiwasang mapaisip. First time kong makikita ang magulang niya if ever. Hindi ko alam kung paano ko sila patutunguhan. Kinakabahan ako ngayon pa lang.
Pagdating sa restaurant ay nakita ko si Sun. Dumiretso na muna ako sa office para ibaba ang mga gamit ko. Wala pa si Rubi, kaya naman nagpasya akong lumabas na muna. Nagtama ang tingin naming dalawa.
Pumunta ako kung saan siya nakapwesto.
BINABASA MO ANG
Notre Éclipse (Notre Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: April 10, 2023 Ended: May 28, 2023 Mwezirean De Silva wants to become a Published Author. She keeps on writing and expressing her thoughts. Her name, mwezi means moon. And he met Ravi: A cold and mysterious...