Bumaling ako sa kaniya. Ang mga titig niya ay hindi ko mabasa, mas lumalamang ang pagiging malamig ng mga titig niya.
“Hindi mo sinabi kay Mwezi na magkikita kayo ni Sun?” tanong ni Garry, may kung ano sa tono nito.
“Hindi ko nasabi,” pag-amin naman ni Ravi.
Tipid akong ngumiti. “Ayos lang. Medyo naging busy rin ako kanina dahil may mga tinapos kaming gawain,” sabi ko naman.
Garry hissed. Ang dalawa naman ay tahimik lang na kumakain. Hindi ko alam kung ano pang sasabihin o gagawin ko rito. Bigla ay para bang naging awkward.
“Sa susunod magsabi ka sa girlfriend mo, Raj. Naghintay pa yata siya sa 'yo kanina,” sabi naman ni Kurzle.
Agad akong umiling. "Hindi, ayos lang 'yon. Naiintindihan ko naman if they need to catch up. Sabi ninyo kararating lang niya rito 'di ba?"
Ngumiti ako sa kanila para ipakitang ayos lang naman talaga iyon sa akin. Yes, Sun is Ravi's first love. Lahat naman yata tayo may first love? Hindi naman nawawala ang gano'n. Naiintindihan ko naman si Ravi kahit na wala naman talaga akong first love pa.
"Uuwi ka na ba agad, Mwezi?" tanong ni Garry. "Tambay kami sa apartment mo," dagdag niya pa.
Tumango naman ako agad. "Sure. Gusto ko ring kausapin si Kenneth," sabi ko at bumaling kay Kenneth.
"Okay," sang-ayon niya naman agad.
Hinayaan ko na muna silang kumain doon. Nagpaalam ako na babalik sa office para tingnan si Rubi. Naabutan ko siyang nag-aayos na ng mga gamit niya.
"Uuwi ka na?" tanong ko. Tumango naman siya agad.
"Pwede ka na ring umuwi. Si Rizel na ang bahala," sabi niya naman.
Si Rizel ay ang manager namin ngayon. Kapag daw ako na ang naging manager, may trabaho pa rin naman daw si Rizel sabi ni Ma'am. Kaya kampante akong wala akong matatapakang ibang tao kapag nangyari iyon.
"Okay. Ingat ka," sabi ko naman.
Nag-ayos na rin ako ng mga gamit ko. Masyado pang maaga para umuwi pero wala naman na akong gagawin dito. Three fourty five pa lang. Five pm ang madalas kong out sa trabaho.
Bago ako magpasyang lumabas ng office. Chi-n-eck ko na muna ang social media account ko na hindi ko na napansin kanina dahil naging abala ako.
skylatimer: Hindi ka na nagreply. Baka sinugod mo na, a?
skylatimer: Check mo insta ni Sun. sunshayne username niya.
Pati ang message ni Kurzle ay binasa ko na rin. Kinumusta niya lang ako. Nagsearch ako para sa account ni Sun. She's famous, too. May twenty plus siyang post. Tiningnan ko iyon isa-isa. Ang ganda niya. Ang sexy niya.
Pati ang highlights ay tiningnan ko rin. May mga nakita akong pictures nila ni Ravi at halatang matagal na iyon. Ang latest post niya ay parang kuha lang kanina. Naka-dress siyang black dito kagaya ng suot niya kanina. The caption is "catch up with this handsome guy." Apat ang post niya, tatlong puro pictures niya at sa huli ay sila ni Ravi. Ang mga comments naman ang pinagdiskitahan kong tingnan.
riveranne: Bagay talaga kayo. Bakit kasi hindi na lang maging kayo ngayon?
mariekianna: OMG! Nagkita na kayo? I'm happy for you, girl!
Marami pang mga gano'ng comments. Hindi ko na pinansin ang iba pa. Inalis ko na rin sa profile ni Sun at nagscroll na lang ako sa newsfeed ko. Konti lang ang post ko rito sa instagram ko. Nasa lima lang iyon at puro whole body. Naisip kong magpicture sana ngayon.
BINABASA MO ANG
Notre Éclipse (Notre Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: April 10, 2023 Ended: May 28, 2023 Mwezirean De Silva wants to become a Published Author. She keeps on writing and expressing her thoughts. Her name, mwezi means moon. And he met Ravi: A cold and mysterious...