Naging maayos ang trabaho ko bilang Personal Assistant ng boss namin. Madalas mang may i-utos sa akin na nananatili sa loob ng office ay ayos lang. May mga lakad din siya madalas kaya sumasama ako sa kaniya.
Halos dalawang buwan na rin ang nakalipas simula nang makita ko sila Raj. Sa tuwing lumalabas ako sa office ay nililibot ko ang tingin ko sa buong paligid para hanapin sila pero wala akong nakikita. Nawalan na lang ako ng interes na gawin iyon nang tumagal na.
“Mwezi, sa Pampanga tayo for almost two weeks,” sabi ni Ma’am.
Tumango naman ako at hindi na nagtanong pa sa kaniya kung anong dahilan. Madalas naman kasi talaga siyang umaalis.
“Oh? Saan punta?” bungad na tanong ni Vianna nang maabutan niya akong nag-iimpake.
Kailangan kong ayusin ang mga gamit ko dahil bukas ay aalis na kami ni Ma’am. Palagi niya ring sinasabi na may dagdag naman daw sa sahod ko sa mga ganitong lakad.
“Trabaho, beh. Ikaw muna bahala rito sa apartment. Halos dalawang linggo akong wala,” sabi ko naman.
Nahiga siya sa kama ko habang ako naman ay nag-aayos ng mga gamit ko sa malaking maleta.
“Oh? Para ka na ring naggala niyan. Sana all naman sa ’yo, beh.”
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Tinatansya ko kung kakasya ba ang mga gamit na dadalhin ko. Hindi naman sobrang dami pero sa tingin ko ay hindi pa rin kakasya sa maleta ko.
“Kumusta pala ’yung mga pogi? Hindi mo na na-kwento sa akin, e.”
Tumigil ako sa pag-aayos at tiningnan siya. Salubong ang kilay at naghihintay ng sagot mula sa akin.
I sighed.
“Wala na akong balita sa kanila. Hindi ko alam kung pumupunta pa ba sila sa restaurant o hindi na. Hindi ko na sila nakikita,” sagot ko naman.
Kinabukasan ay maaga akong gumising at gumayak. Nakakahiya kung paghihintayin ko pa si Ma’am sa pag-aayos ko. Eight am ang alis namin, susunduin daw nila ako rito. Seven am pa lang ay natapos na ako sa pag-aayos ng sarili ko. Inilabas ko na rin ang mga gamit ko para mamaya ay hindi na magmadali kapag nandiyan na sila Ma’am.
Almost two pm na kaming nakarating sa pupuntahan namin. Gutom ako pero hindi ako makapagreklamo kay Ma’am. Sa iisang kwarto lang kami matutulog, pero dalawa ang kama ro’n. Para din makatipid kami.
“Mwezi, kain ka na muna. I’ll call you if I need you,” sabi ni Ma’am.
Inabutan niya ako ng pera. Tinanggap ko na dahil alam kong ipipilit niya rin iyon sa akin kung tatanggihan ko man. Nagpaalam na muna ako sa kaniya. Magpapadeliver na lang daw siya kapag nagutom siya.
Bumaba ako para maghanap ng malapit na kainan. Kahit saan na lang, basta maibsan lang ang gutom ko. Good thing may malapit na chowking dito. Iyon na lang ang pinuntahan ko. Pagkarating ay umorder na agad ako. Hindi naman ako maselan sa pagkain lalo na kung gutom ako.
“Sorry. Do you mind if I sit here?” sabi ng isang lalaki.
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya para sana sagutin siya pero natigilan ako nang makita kong si Raj ito. Kahit siya ay nagulat din nang makita ako rito.
“Sure. I don’t mind,” sagot ko, nanatili pa ring gulat.
“You’re here. What are you doing here?” tanong niya.
Bumalik siya sa malamig na aura. Agad naman din akong umayos dahil para akong tanga na nakatitig pa rin sa kaniya. Dumating ang order ko kaya hindi na muna ako nakasagot sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Notre Éclipse (Notre Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: April 10, 2023 Ended: May 28, 2023 Mwezirean De Silva wants to become a Published Author. She keeps on writing and expressing her thoughts. Her name, mwezi means moon. And he met Ravi: A cold and mysterious...