01

119 9 0
                                    

Doing chores everyday is fine with me. Walang maririnig na reklamo sa akin kahit  na paulit-ulit pa ako sa ginagawa ko araw-araw.

“Mwezi, hugasan mo na ’tong mga nakatambak dito para walang kalat!” malakas na sabi ni Lolo sa akin.

Mabilis naman akong bumangon para sundin ang sinabi niya. Katatapos ko lang magwalis sa bakuran at nahiga ako saglit para magpahinga. Pero dahil sa tawag ni Lolo ay agad din naman akong bumangon para sundin ang utos niya.

Habang naghuhugas ng kinain ay nagpapatugtog din ako. Mas okay kasing gawin ang mga gawaing bahay habang may music.

Lumaki akong si Lolo at Lola ang nag-alaga sa akin. My Papa is busy in his work. Si Mama naman ay matagal nang patay. Sa edad na bente, nandito pa rin ako sa poder nila Lola. Wala pa akong nahahanap na trabaho kaya naman dito na muna ako at tumutulong sa gawaing bahay.

“Magsaing na rin ako? Nasaan ba si Lola?” tanong ko.

Matapos maghugas ng mga plato ay hinanda ko na rin ang bigas na huhugasan ko para makapagsaing na. Mag-a-alas dose na rin kasi.

“Nasa mga tita Ella mo siguro,” sagot naman ni Lolo.

Hindi na ako kumibo pa. Inabala ko na lang ang sarili ko sa paghuhugas ng bigas. Magluluto na rin siguro ako ng ulam namin habang nakasalang ang sinaing ko. Darating din kasi ang kapatid ko at ang pinsan ko na galing sa school.

Hindi kami mayaman. Hindi rin naman kami sobrang hirap. Sapat na iyong kumakain kami tatlong beses sa isang araw. Napupunan pa rin naman ang pangangailangan namin. Pero kailangan ko pa ring humanap ng trabaho para mas umayos ang buhay namin. Marami akong plano para kila Lola. Gusto kong tuparin lahat ng iyon at magagawa ko iyon kung may trabaho ako at may pera na.

“Anong luto ba ang gagawin sa baboy, Lo?” tanong ko.

Nakasalang na ang sinaing ko. Nahugasan ko na rin ang karne. Hindi ko lang alam kung anong luto ba ang gagawin dito.

“Sinigang daw sabi ng lola mo kanina. Tingnan mo na lang kung may sangkap pa,”  sagot niya.

“Meron pa naman,” sagot ko nang makitang kumpleto naman ang kailangan ko.

Sinimulan ko na ngang lutuin ang ulam namin. Marunong naman akong magluto, tinuruan ako ni Lola. Palagi niya kasing sinasabi na mas mainam daw na may alam sa pagluluto at sa gawaing bahay para kapag nag-asawa raw ako ay walang maipipintas sa akin.

Palagi ko ring sinasabi sa kaniya na hindi pa ako mag-aasawa. Na huwag niya akong itulad sa mga kakilala niya na maagang nag-asawa ang mga anak o apo. Kagaya ng bunso niya, maagang nag-asawa at nagkaanak. Hindi nakatapos dahil nabuntis agad. At the age of 19 ay may pamilya na iyon.

I should be proud of myself, right? I am twenty years old and still don’t have a boyfriend. Wala pa naman akong balak sa ganiyan. Mas priority ko nga ang pagsusulat ko at ang isipin na i-ahon sa hirap ng buhay sila Lola.

“Ate, si Lola?” tanong ng kararating lang na kapatid ko.

Sakto lang din ang dating niya dahil tapos na akong magluto ng tanghalian namin. Ang pinsan ko ay wala pa.

“Na kila Tita Ella raw,” sagot ko. “Lo, kain na!” sabi ko naman kay Lolo.

“Mamaya na ako, sabay na kami ng lola mo,” sagot niya.

Pinaghanda ko ng pagkain ang kapatid ko. Konti lang kasi ang karne na ulam namin kaya kailangang tipirin. Dinamihan ko na lang ang sabaw at gulay sa ulam niya.

“Ate, pengeng sampu. Naubos na baon ko kanina,” sabi ng kapatid ko.

“Bakit kasi inubos mo? Maghapon na baon mo ’yon, a?” sabi ko naman.

Notre Éclipse (Notre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon