Naging abala na naman kami sa araw na ’to. Napag-alaman ko na normal na araw lang talaga ito at walang kahit anong event na nagaganap sa malalapit na kompanya. Sadyang marami lang talaga ang customer ngayon.
“Mwezi, break muna!” tawag ni Justine.
Agad naman akong tumango. May papalit muna saglit sa amin para makapagpahinga kami saglit. One hour break lang naman, mamaya ay babalik na ulit kami.
“Thanks!” sabi ko sa papalit sa akin.
Agad kong kinuha ang tumbler ko sa ref at uminom agad ng tubig. Sobrang nakakapagod. Talagang kailangan malakas ang resistensya sa ganitong mga trabaho.
“Mwezi, tawag ka ni Boss,” sabi ni Kim.
Tumango naman ako at agad sinara ang tumbler ko. Binalik ko agad sa ref at mabilis na akong lumabas ng kusina para puntahan ang boss namin. Ano na naman kayang problema ni Boss?
Kumatok ako ulit bago binuksan ang pinto. As usual, busy na naman siya sa mga papeles na hindi na matapos-tapos.
“Pinatawag mo raw ako, Ma’am?” tanong ko.
Agad umangat ang tingin niya sa akin. “Yes. Starting tomorrow P.A na kita. Okay lang ba?” tanong niya.
Nagulat man ay agad pa rin akong sumang-ayon. Mas mainam nga rin iyon.
“Kailangan ko lang kasi talaga, ang hirap kapag ako lang talagang mag-isa. Anyways, start ka bukas ng eight am to five pm. Is that okay with you?” taas ang kilay niyang tanong.
“Yes, Ma’am. Walang problema ro’n.”
Kayang-kaya ko naman kasi iyon. Dito nga sa pagiging waitress ko ay inaabot pa ako minsan hanggang six pm. Depende pa iyon kung may event pa, aabot kami hanggang seven pm or eight. May bonus naman kami kapag sumosobra sa oras.
“Kapag naman may kailangan ako at tapos na ang oras ng trabaho mo sa akin, may bonus ka naman no’n. Bayad ang overtime mo sa akin,” paliwanag niya pa.
Tumango naman ako sa kaniya bilang sagot. “Thank you, Ma’am.”
Nagpaalam na ako sa kaniya pagkatapos no’n. May mahigit thirty minutes pa akong natitira sa pahinga ko. Nang palabas ako ng office ni Ma’am ay ginala ko ang tingin ko sa mga kumakain. Napadaan ang tingin ko sa table nung mga lalaki kanina na nakausap ko. Nakatingin pa rin sa gawi ko ang malamig na tingin nung isang lalaki.
Nag-angat ng kamay ang isa sa katabi niya. Iyon ang kumausap sa akin kanina. Alam kong ako ang tinatawag niya pero tiningin ko pa ang mga mata ko sa paligid ko para makasiguro. Lumapit ako para malaman kung ano ang kailangan nila.
“Yes, Sir? Need anything?” tanong ko sa magalang na paraan.
Ngumiti sa akin ang lalaki. Hindi maipagkakaila na lahat sila sa table na ito ay puro mga gwapo. Mukhang mayayaman sa aura pa lang ng mga ito.
“I need...” Parang nag-iisip pa siya ng kailangan niya. “Your name,” dagdag niya.
Hindi ko napigilang mapaangat ang isang kilay ko. Tinuro ko ang name plate na nasa gawing dibdib ko. Napa-O naman ang bibig nitong lalaki at parang napahiya pa sa mga kasama. Ang alam ko rin ay tinanong na niya ako sa name ko kanina and I answered him already.
“Your number, then?” aniya pa.
Hindi ito ang unang beses na may manghingi ng number ko. Most of them ay mga regular customer na.
“Sorry, Sir. We’re not allowed to give any personal details,” magalang na sabi ko naman.
Natawa ang isa sa kasama nila. Sa kaniya natuon ang tingin ko. Pero naaagaw ng lalaking may malamig na tingin ang atensyon ko.
BINABASA MO ANG
Notre Éclipse (Notre Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: April 10, 2023 Ended: May 28, 2023 Mwezirean De Silva wants to become a Published Author. She keeps on writing and expressing her thoughts. Her name, mwezi means moon. And he met Ravi: A cold and mysterious...