Tahimik lang ako at nanatiling nakayuko. Hindi ko pa kayang sagutin ang mga sinabi niya. Hinayaan niya rin ako kahit papaano. Palagay ko, kahit siya ay marami ring tanong sa akin. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong tanungin sa kaniya.
“Let me clear it to you. Sun and I are not in a relationship,” aniya.
Umangat na ang tingin ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay namumula na ang mata at ilong ko sa pagpipigil ko ng iyak. Ang malamig na titig ng mga mata niya ay parang nanghihina ngayon.
“Palagi kayong magkasama sa nagdaang mga taon,” sabi ko, na para bang iyon ang patunay na may relasyon nga sila.
He shook his head.
“I’m sorry for that. Hindi kami. Walang kami kahit noong binigyan mo ako ng space.”
Hindi ako kumibo. Naguguluhan ako sa kaniya. Kung hindi pala sila, bakit nagsayang pa siya ng apat na taon? Bakit hindi siya bumalik sa akin?
“Garry told me you have a boyfriend. I was hurt, Mwezi. Kasi akala ko kaya mo ako binigyan ng space ay dahil ang totoo hindi mo ako gusto. Na may iba ka,” dagdag niya.
Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. So inakala niya nga talaga na may iba ako? Of course, kaibigan niya ang nagsabi sa kaniya. Kaibigan niya na madalas kong kasama. Paniniwalaan niya nga iyon kahit na walang sapat na dahilan o pruweba.
“He also sent me pictures of you with that guy. Kung alam ko lang na hindi totoo lahat ng iyon. Fuck! Four years, I lost my four years chance to meet my son.”
Tuluyan nang tumulo ang luha ko. I bit my lower lip to stop myself from crying. Pero mas lalo lang tumulo ang luha ko nang makita ko rin na umiiyak siya. Oh God! He’s crying in front of me.
“I was an asshole. I left you. I pretend that I have a relationship with Sun. I’m sorry.”
We both cried. Ngayong alam na namin ang totoong dahilan kung bakit siya hindi bumalik sa akin, parang gusto kong sapakin na lang si Garry. Pero on the second thought, ginawa lang naman ni Garry ’yon dahil akala niya ginagamit lang ako ni Ravi para makalimot kay Sun.
“Baby, listen to me.”
He’s now holding my hand. Magkatitigan kaming dalawa. He wipe my tears.
“The first time I laid my eyes on you, you caught my heart that fast. I am not confused about my feelings for you. I am sorry if you think that way. Madalas lang kaming magkasama noon ni Sun just because we saw each other accidentally. I don’t love her anymore. It was you. It is always you that I love.”
Muling tumulo ang luha ko. Hindi ko magawang tanggapin ang mga sinasabi niya. Bakit ngayon niya lang kasi sinabi ’to? Bakit ngayon niya lang ako pinuntahan. Bakit hindi noong mga nakalipas na taon. Bakit hindi siya sumubok kahit na akala niya may boyfriend ako?
“I love you. And thinking about you having a relationship with someone, being with someone, do the things we do with him... Baby, I can’t take all of that. But, I realize that your happiness is more important than my pain. So, I let you. For years, I let you happy with someone else. And now, it turns out that you don’t have a boyfriend? I want to punch Garry.”
I wipe my own tears. Kinalma ko rin ang sarili ko dahil kanina pa ako umiiyak.
“Nangyari na. Natapos na. Wala na tayong magagawa ro’n.”
Natahimik siya. Tipid akong ngumiti sa kaniya.
“Paano mo nalaman ang tungkol kay Helios?” tanong ko na. Kanina ko pa iyon pinagtataka.
BINABASA MO ANG
Notre Éclipse (Notre Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: April 10, 2023 Ended: May 28, 2023 Mwezirean De Silva wants to become a Published Author. She keeps on writing and expressing her thoughts. Her name, mwezi means moon. And he met Ravi: A cold and mysterious...