40

54 6 0
                                    

I checked my emails. Ang daming publishing company ang nagsent ng emails sa akin. Naiiyak ako sa sobrang tuwa.

“Mwezi!” malakas na tawag ni Garry.

I log out my account. Mamayang gabi ako magsusulat, sobrang saya ko pa ngayon, hindi ko pa kayang magsulat o mag-isip ng mga scene.

“Nakita ko wattpad account mo. Congrats!” salubong ni Garry at niyakap ako.

Namuo na ang luha sa gilid ng mga mata ko. Tumakbo ako papunta kay Ravi at niyakap siya. Sa kaniya ko iniyak ang kanina ko pa pinipigilan na luha ko.

“Ravi...” parang batang tawag ko. “May check badge na ako sa wattpad. Verified account na ako,” humahagulgol kong sabi.

Niyakap niya rin ako ng mahigpit at binulungan ng masasarap sa pandinig na salita.

“I’m so proud of you, baby. You deserve that.”

“Dahil diyan, double celebration tayo!” malakas na namang sabi ni Garry.

Kumalas ako sa yakap ni Ravi sa akin. Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko. Abala na ang tatlo sa pakikipaglaro sa mga bata.

“I’ll cook lunch for us,” Ravi said.

I nod. Hindi pa rin umaayos ang puso ko dahil sa sobrang galak. Sumunod ako sa kaniya sa kusina para panoorin siyang magluto na lang. He’s wearing white plain t-shirt and sweatpants. Sa island counter ako pumwesto at nakaharap sa kaniya.

“A lot of publishing company sent an email  to me.”

Humarap siya saglit sa akin. “That’s a big news. How many years you waited for this?”

“Almost seven years? Hindi pa tayo nagkakakilala noon nagsusulat na ako,” sagot ko naman.

“All you hard works are now paid off. I am really proud of you, baby.”

Hindi maalis ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Sobrang saya ko dahil kasama ko siya nang marating ko ’to. Tama nga ang kasabihang “your time will come.” Hangga’t hindi mo pa oras, matuto kang pumalakpak muna para sa ibang tao.

Nagsimula na siyang magluto. Bawat galaw niya ay pinanonood ko. Ang triceps niyang kitang-kita ko mula rito sa pwesto ko, mas lumalaki kapag gumagalaw ang braso niya.

“You know what, you should go to our children instead. Na-di-distract ako sa ginagawa ko, wife.”

I chuckled. “Why? Behave lang naman ako, a.”

Bumaling siya sa akin at matalim ang tingin. “I can feel your stares, my wife. I’m distracted.”

Umirap ako pero natawa rin. “Okay fine. Pupunta na lang ako sa kanila,” sabi ko at tumayo na.

Gusto ko pa siyang asarin pero seryoso talaga siya na na-di-distract siya kapag nandoon ako. Kaya naman ang mga bata na lang ang inatupag kong asarin.

“Wala ka pang balak magpakasal?” tanong ko kay Kurzle.

Siya na lang ang may girlfriend sa kanilang tatlo. Si Kenneth, ewan ko kung para sa kaniya ay sila pa rin ni Vianna.

“Wala pa. Hindi pa kami tumatagal ni Criziel,” sagot niya.

Sabagay, ilang taon pa lang yata sila. Enjoy-in muna nila ang girlfriend-boyfriend relationship. Wala pa naman yata silang plano pa na magpakasal.

“Si Garry ang sabihan mo,” sabi pa niya.

Napatingin naman sa amin si Garry dahil narinig ang pangalan niya.

Notre Éclipse (Notre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon