37

30 5 0
                                    

Hapon pa lang ay nagpasya na kaming umuwi. Gagabihin din naman kami sa biyahe.

“Mag-iingat kayo,” bilin ni Lola.

Kinarga ni Ravi si Hazel. Hawak ko naman ang kamay ni Helios. Nagmano ako kay Lola dahil ako na lang ang hindi nakakapagmano sa kaniya.

“Bibisita po ulit kami kapag may libreng araw,” sabi ni Ravi.

Buong biyahe ay tulog ang mga bata. Sobrang napagod dahil marami silang nakalaro sa Bulacan. Nagstop over kami ni Ravi para bumili ng pagkain, in case na magutom ang mga bata kapag nagising na sila.

“Ravi, I’m planning to visit Sun,” sabi ko habang kumakain ng fries.

Ramdam ko ang pagbaling niya sa akin. Agad din naman siyang bumaling sa daan, nagmamaneho pa rin siya.

“Why?” tanong niya.

Binaling ko ang katawan ko sa kaniya. Pasulyap-sulyap naman siya sa gawi ko.

“Gusto ko lang siyang makausap. Para mawala na rin sa isip ko ang mga nangyari noon. Kumbaga ay closure gano’n,” sagot ko.

Matagal bago siya nakasagot. Pinag-iisipan niya siguro kung papayag siya sa gusto kong mangyari.

“Okay. When? I’ll go with you,” he said.

Umiling ako. Kumakain ako ng fries kaya hindi nakasagot kaagad sa kaniya.

“Ako lang ang pupunta. Gusto kong mag-usap kami ni Sun ng kaming dalawa lang,” sagot ko.

He sighed. Mukhang magbabago pa yata ang isip niya dahil sa gusto kong mangyari.

“Fine. Kailan ka nga bibisita?” tanong niya, parang labag pa ang pagpayag niya.

“Tomorrow morning. Kapag nasa school na ang mga bata,” sagot ko.

Wala naman akong ibang gagawin bukas bukod sa maglilinis ako ng condo. Ang apartment ko ay binenta ko na. Hindi na kasi iyon matitirhan pa at sayang naman kung hahayaan na lang iyon. Binenta ko kay Aling Ising sa mas murang halaga. Sayang din ang kikitain niya ro’n kapag nagpa-rent to own ulit siya.

“Okay. Pero huwag kang magtatagal, please? Hindi ako kampante lalo na at doon ka pupunta,” bilin pa niya.

Tumango naman ako. Pagkarating sa condo ay tulog pa rin ang mga bata. Binihisan ko na lang sila, dahil sa himbing ng tulog ay hindi na sila nakapagdinner pa.

“I know you’re tired. Come here,” I said.

I open my arms wide. Agad namang lumapit si Ravi at niyakap ako. Nakahiga na kami ngayon sa kama namin. Tulog na tulog naman na ang dalawa. Pati si Ravi ay pagod din, hindi biro ang pagdadrive sa layo ng biyahe namin.

I comb his hair using my fingers. Nakasubsob siya sa leeg ko. Ang mainit niyang hininga ay ramdam ko ro’n.

“Are you sure about visiting Sun?” tanong niya.

“Yes,” sagot ko agad.

Hindi na siya kumibo pa. Pinagpatuloy ko ang pagsuklay sa buhok niya. Ilang minuto siguro ang nakalipas ay naramdaman ko na ang mabigat niyang paghinga. Nakatulog na siya agad.

Kinabukasan ay inasikaso ko muna silang tatlo. Maaga akong gumising para magluto ng breakfast. Inayos ko na rin ang mga isusuot nila.

“Mama, nasaan po I.D ko?” tanong ni Helios.

Katatapos ko lang maghugas ng kinainan. Lumabas ako ng kusina para kunin ang mga kailangan nila. Isinuot ko sa kanilang dalawa ang I.D nila. Sinuklay ko ang hanggang balikat na buhok ni Hazel.

Notre Éclipse (Notre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon