34

30 6 0
                                    

I texted Vianna about what happened to me. Ilang araw akong naghintay sa reply niya pero wala akong natanggap. Ilang linggo akong nandito lang sa condo ni Ravi. Sila ni Helios ang palaging magkasama sa labas.

Today, babalik na ako sa trabaho ko. Napag-usapan na namin ito ni Ravi. Pumayag naman siya sa gusto ko. Ang alam ko rin ay uuwi ang magulang niya rito. Hindi lang nabanggit sa akin kung kailan.

“Lola, ayos lang naman ako. Ilang linggo na akong puro pahinga lang,” sabi ko nang makausap ko si Lola.

[“Dapat lang naman kasi na puro pahinga, apo. Hindi biro ang nangyari sa ’yo.”]

Isang linggo matapos ang nangyari, saka lang namin sinabi kay Lola. Nag-alala siya at binalak niyang lumuwas dito pero sinabi ko sa kaniya na dadalaw na lang ako kapag maayos na ako. Hindi naman ako nahirapan na pakiusapan siya tungkol doon. Binilinan niya na lang ako sa mga hindi dapat at dapat kong gawin.

“Dadalaw kami nila Helios diyan next week,” sabi ko.

[“Dapat lang naman din talaga. Miss na miss ko na ang apo kong ’yan. Gusto ko ring masiguro na maayos ka na nga talaga.”]

“Osige na, La. Papasok na ako sa trabaho,” paalam ko na.

[“Sige. Mag-ingat ka, ha. Magsabi ka sa akin kapag may problema.”]

Nauna nang umalis ang mag-ama. Ihahatid ako ng driver at the same time ay body guard ko na rin. Simula nang magpasya akong magtrabaho ay binigyan na ako ni Ravi ng bantay. Kahit na wala naman nang banta sa buhay ko.

Nakulong na si Sun. Lahat ng tumestigo ay mga dating kaibigan niya. They told us that Sun is into drugs. Siniguro ni Ravi na hindi makakalabas ng kulungan si Sun o hindi magkakaroon ng kahit anong koneksyon dito sa labas.

“Mwezi?”

Kabababa ko lang at nakita ko agad si Oliver. Ang tagal naming hindi nagkita. Hindi ako sigurado kung alam niya ang nangyari sa akin.

“Oliver! Kumusta ka na?” gulat pang tanong ko.

“I’m fine. Kauuwi lang namin ng wife ko rito. We stayed abroad,” sagot niya.

Nagulat ako na may asawa na siya. Siguro ay sila rin nung girlfriend niya ang nagkatuluyan. Masaya ako para sa kaniya.

“Catch up soon? May trabaho pa kasi ako ngayon,” sabi ko.

Agad siyang tumango. “Yeah, sure. I’ll bring my wife so you two will meet.”

Hindi rin naman nagtagal ay nagpaalam na ako sa kaniya. Pumasok ako sa restaurant. Ang bodyguard ko ay nasa tabi-tabi lang. Hindi siya pwedeng magpakita sa public. Masyadong nakaka-ilang kung may kasama akong body guard kahit nasa trabaho.

“Balita ko malapit ka nang umalis dito?” sabi ni Rubi.

Parehas kaming nakatutok sa computer namin. Totoo ang nabalitaan niya. Binigyan lang ako ni Ravi ng dalawang buwan para sa trabaho na ’to, pagkatapos no’n ay magresign na raw ako at alagaan na lang ang anak namin. Siya na raw ang bahalang magtrabaho.

“Oo. Two months na lang ako rito. Alam mo naman kung gaano ka-paranoid si Ravi kapag nasa labas ako,” sagot ko.

“We can’t blame him. Kahit siguro ako, kapag gano’n ang nangyari ay hindi talaga ako makakampante,” aniya.

I shrugged. “Makahanap ka sana agad ng ipapalit sa akin. Gusto kong magtagal pa rito pero gusto ko ring alagaan na lang ang mga anak ko,” sabi ko pa.

Mga anak. Dalawa na kasi sila. Nasa amin na rin si Hazel. I mean, legally adopted na namin siya pero nasa Osipital pa rin siya. Next month pa siya pwedeng lumabas, para sure na magaling na talaga siya.

Notre Éclipse (Notre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon