18

27 4 0
                                    

Nakatitig lang siya sa akin. Naninimbang sa kung anong reaksyon ko.

“I put yellow heart, you love yellow, right?” aniya.

I nod. Hindi ko alam na alam niya ang paborito kong kulay. Hindi ko sinabi sa kaniya iyon. Hindi rin siya nagtatanong sa maliliit na bagay tulad ng kung anong gusto kong kulay.

“Black and yellow are your favorite,” dagdag niya pang sabi.

Hindi ko na napigilan ang ngiting gustong kumawala sa labi ko. Binaling ko ang atensyon ko sa buhok niya. Sinuklay ko iyon gamit ang daliri ko.

“Sinabi niya rin na girlfriend mo siya,” sabi ko habang abala sa pagsuklay sa buhok niya.


He hissed. “My girlfriend is you. Only you,” sagot niya.

Hindi na ako umimik. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagsusuklay ng buhok niya. Nararamdaman ko ang titig niya sa akin. Inaabangan niya na mapatingin din ako sa kaniya.

“Baby, what’s on your mind? Please, tell me what’s on your mind,” malambing niya pa ring sambit.

Tumigil ako at tinitigan siya. “Wala naman. Iniisip ko lang kung bakit niya ’yon sinabi sa akin,” sagot ko.

Sun is Ravi’s first love. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila at bakit hindi sila nagkatuluyan. Pero kung naging sila ba, makikilala ko ba si Ravi? Mapupunta ba siya sa akin?

“I don’t know. She doesn’t like me back then, I don’t know why she said that to you,” he said.

Ang mukha niya naman ngayon ang hinahaplos ko. Sa mapupulang labi niya natutuon ang atensyon ko.

“Baka gusto ka na niya ngayon,” biro ko naman pero may parte na totoo rin.

Bakit naman sasabihin ni Sun iyon kung hindi niya gusto si Ravi. Bakit madalas siyang nasa restaurant kung saan nandoon din si Ravi. Parehas kaming babae, alam ko ang mga galawan niyang gano’n.

“If yes, are you jealous?” tanong niya.

Agad akong umiling. “No,” mabilis kong sagot.

Malaki ang tiwala ko kay Ravi. Hindi niya ako binibigo simula nung niligawan niya ako hanggang sa maging kami na. Kaya kampante ako na wala akong dapat pagselosan dahil nasa akin ang buong atensyon niya.

“Explain yourself to your friends, nagconclude sila na nagcheat ka,” sabi ko sa kaniya.

Inaya ko na siyang lumabas para makausap niya na ang apat. Si Vianna ay agad na tumayo nang makita kaming lumabas. Umirap naman si Garry kay Ravi.

“Ravi will explain his side,” sabi ko.

Tumingin ako kay Ravi para iparating sa kaniya na kailangan niya nang magsalita tungkol sa nangyari. Hinayaan ko siyang i-explain ang side niya.

“Napapadalas ang pagsasama ninyong dalawa ni Sun. Baka nakakalimutan mong may girlfriend ka,” sabi ni Garry.

Umupo na ako sa sofa at agad tinabihan ni Ravi. May mga hawak na chips ang mga kasama namin ngayon. Magkatabi si Kenneth at Vianna.

“Of course I won’t forget that I have a girlfriend, Garry.”

“Sinasabi ko lang. Nagmumukhang si Sun na kasi ang girlfriend mo sa dalas ninyong magkasama,” sarcastic pang sabi ni Garry.

“I agree. Nagkakaroon na ng issue dahil sa mga post ni Sun na pictures ninyo together,” sabi naman ni Kurzle at napatingin pa sa akin.

“Masyado kasing mabait ’tong kaibigan ko kaya hinahayaan ka lang,” sabi naman ni Vianna.

Notre Éclipse (Notre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon