Habang abala si Ravi sa pagluluto ng pagkain namin, inabala ko rin ang sarili ko sa pagtingin sa paligid. Ang ganda ng ambiance rito. Ang calming ng lugar. Sobrang nakakawala ng stress.
Inayos ko ang mga gamit ko sa kwartong tinuro ni Ravi. May limang kwarto ang resort na ’to. Parang bahay lang ’to pero mas marami nga lang ang kwarto at malawak ang pool. Para lang talaga ito sa gustong magbakasyon dito ng ilang araw.
Nagpasya na akong magbihis. Ang sabi ni Ravi ay walang tao rito kundi kami lang. Pinaalis niya ang mga namamahala sa resort nila na ’to matapos ibigay ang mga kakailanganin namin sa tatlong araw naming pananatili rito. Sinuot ko ang pinabaon ni Vianna na two piece. Kulay itim iyon at matagal ko nang hindi nagamit pero kasya pa naman sa akin. Nasuot ako ng isang malaking t-shirt ni Ravi para hindi na ako mahirapang hubarin mamaya kapag magsu-swimming na ako.
“The food is ready,” sabi niya nang dumungaw sa pinto.
Sinuklay ko ang maikli kong buhok. Lumapit na ako sa kaniya pagkatapos. Nakatingin siya sa kabuuan ko. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa mata niya.
“Kain na tayo. Gusto ko nang magswimming,” sabi ko.
Pinulupot niya agad ang braso niya sa maliit kong baywang. Sabay kaming pumunta sa table na may mga pagkain na. Pinaghatak niya pa ako ng upuan.
“You’re hot. But you look ten times hot because of my shirt,” aniya.
Natawa na lang ako. Masyadong OA ang ten times. Mas maniniwala pa ako sa three times ni Garry nung nakaraan.
“Pwede naman sigurong magswim suit ako? Wala namang ibang makakakita?” paalam ko.
“Do and wear whatever you want, baby.”
Nagsimula na kaming kumain. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiilang kay Ravi. Ramdam na ramdam ko kasi ang titig niya sa akin. Sa tuwing babalingan ko siya, nagtatama na agad ang tingin namin dalawa.
Nang matapos kumain ay nagpahinga muna kami. Niligpit at hinugasan ko na muna ang kinain namin para walang nakakalat. Nagpalit na rin siya ng pangswimming niya.
“Damn that body,” he cursed while looking at me.
Inalis ko na ang shirt na suot ko. Ngayon lang ako nahiya ng ganito sa kaniya. Gusto kong takpan ulit ang katawan ko kahit na nakita naman na niya ito. Titig na titig siya sa akin. Ang mga mata ay puno ng paghanga.
“Come here,” sabi niya.
Nasa hagdanan na siya ng pool at hinihintay ako. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at nilusong din ang binti ko. Pinaupo niya ako sa hita niya kaya nakalubog na ang kalahati ng katawan ko sa tubig.
“Dito nanggaling si Helios,” sabi niya habang hinahaplos ang tiyan ko. “Pero hindi halata dahil sobrang sexy mo pa rin.”
I chuckles. “Hindi naman ako nagdiet. Sadyang mahirap lang talaga ang buhay ko sa nagdaang mga taon kaya kusang pumayat,” sabi ko naman.
Humigpit ang hawak niya sa akin. Niyakap niya ako at sinubsob ang mukha sa balikat ko.
“I was not there,” aniya. “But I am here now. Hindi ko na kayo iiwan.”
I touch his arm. Ramdam ko ang mga ugat doon. Pinaglalaruan ng isang kamay ko ang tubig.
“You’re my girlfriend now. Sinabi mo kanina sa interview na boyfriend mo ako,” sabi niya pa.
Natawa na naman ako. “Akala ko ba liligawan mo muna ako?” naghahamon ko namang sabi.
He snorted. “I’ll court you everyday even if you’re my girlfriend or my wife,” he said.
BINABASA MO ANG
Notre Éclipse (Notre Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: April 10, 2023 Ended: May 28, 2023 Mwezirean De Silva wants to become a Published Author. She keeps on writing and expressing her thoughts. Her name, mwezi means moon. And he met Ravi: A cold and mysterious...