17

25 4 0
                                    

“Napapadalas ang punta niyan dito,” sabi ni Shane.

Parehas kaming nakatingin sa gawi ni Sun. Nandito siya sa restaurant. Halos ilang linggo na nga siyang madalas kumakain dito.

“Dagdag sa customer natin,” sabi ko naman.

She hissed. “Dumadalas din na kasama ang boyfriend mo. Ayos lang sa ’yo ’yon?” tanong niya.

Iniwas ko ang tingin ko sa gawi nila Sun. Kumukuha ako ngayon ng lunch namin ni Ma’am. Hindi ko ulit makakasabay maglunch si Ravi dahil may kasama siya sa table. Nandoon si Sun at mukhang may pinag-uusapan sila.

“Ayos lang naman sa akin. As long as Ravi knows his limitations,” sagot ko.

Tinawag na ako ni Chef para sa pagkain namin ni Ma’am. Kagaya ng madalas kong gawin, hindi ko na tinatangka pang pumunta sa table nila Ravi, dumidiretso na ako sa office at doon na lang kumakain ng pananghalian.

“Mwezi, may lakad ako ngayong tanghali,” sabi ni Ma’am.

Kalalapag ko lang ng pagkain sa table niya. Inayos ko na rin ang pagkain ko.

“Kasama ako, Ma’am?” tanong ko.

Umiling naman siya agad. “Kaya ko naman. Pwede kang umuwi na rin kung gusto mo,” sagot niya.

Sa mga ganitong pagkakataon ay pinipili kong tumulong kila Shane sa pagserve. Kapag may libreng oras ako ay gano’n ang ginagawa ko. Pero ngayon ay baka umuwi na lang nga siguro ako at magsulat na lang.

“Sige, Ma’am. Thank you and ingat kayo mamaya,” sambit ko.

Tahimik akong kumain. Pagkatapos nito ay aalis na yata si Ma’am. Ti-n-ext ko si Vianna na maaga ang uwi ko ngayon at tinanong ko kung pupunta ba siya sa apartment.

“Mwezi, aalis na ako. I-lock mo na lang itong office bago ka umuwi,” bilin ni Ma’am.

“Ingat kayo!” bilin ko rin.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nagbalak na rin akong umalis. Wala na ro’n sila Ravi, hindi ko alam kung saan pumunta o kung magkasama ba sila.

“Uwi na ako,” paalam ko kila Shane.

Balak kong dumaan muna sa 7/11 para bumili ng chips. Kapag nagsusulat ako ay nakasanayan ko nang bumili ng mga chichirya o kahit anong pwedeng kainin habang nagsusulat. Parang mas nagiging productive ako kapag gano’n.

“Ano bang masarap dito?” pagkausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga chichirya.

Isa pa lang napipili ko. Pic A pa lang ang nakuha ko, wala pa akong mapili na pwedeng bilhin.

“Tortillos. Try mo,” sabi ng katabi ko.

Nagulat naman ako sa kaniya kaya bahagya akong napaiwas. Nang bumaling ako sa kaniya ay medyo umangat pa ang tingin ko dahil ang tangkad niya.

Teka... Siya ’yung guy sa grocery store nung nakaraan. Si Oliver! Siya ’yung nakita namin ni Vianna.

“Uhm... Okay.”

Kinuha ko ang isang tortillos. Na-try ko naman nang kumain nito, okay naman para sa akin.

“You’re the girl in the grocery, right?” tanong niya.

Hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko. May gusto pa kasi akong bilhin pero hindi na naman ako makapili.

“Yes. Uhm... Nice to see you again, Oliver,” sabi ko naman sa kaniya.

Hindi ko siya matingnan o mabalingan man lang. Hindi ako komportable sa presensya niya.

“Likewise, Mwezi.”

Notre Éclipse (Notre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon