05

52 9 0
                                    

Nagulat naman sila Kurzle dahil sa sinabi ni Raj.

“Birthday mo, Mwezi? Kailan?” tanong ni Kurzle sa akin. Buong atensyon nila ay nasa akin na.

“Kahapon lang,” sagot ko. “Uhm. Kailangan ko nang umalis,” paalam ko na ulit sa kanila.

Kinuha ko ang pagkain ni Ma’am at mabilis na akong bumalik sa office. Hindi naman ako tinanong ni Ma’am kung bakit parang natagalan ako sa pagkuha ng pagkain.

Bumalik ako sa trabaho ko. Tahimik lang at naghihintay kung may i-uutos si Ma’am. Ang mga papeles na lang na inabot niya kanina sa akin ang pinagtutuunan ko ng pansin.

“Mwezi, are you friends with Mr. Stevenson?” tanong ni Ma’am sa akin.

Agad naman akong bumaling sa kaniya. Umiling habang nakakunot ang noo sa pagtataka.

“Wala po akong kilalang Mr. Stevenson, Ma’am,” sagot ko.

Salubong din ang kilay niya sa akin na para bang nagsisinungaling ako sa kaniya. Hindi ko naman talaga kilala ang sinasabi niya.

“Pero madalas ka sa table nila sa tuwing nandito sila, tama?” tanong niya ulit.

Wala akong kilalang Mr. Stevenson. Pero kung ang pagiging madalas ko sa isang table ang tinutukoy niya, sila Raj lang ang naiisip kong pwedeng maging si Mr. Stevenson. Pero sino sa kanila?

“Ma’am, sila Raj, Kurzle, Garry at Kenneth po ba ang tinutukoy ninyo?” tanong ko na.

Umaliwalas naman ang mukha ni Ma’am nang marinig iyon sa akin. Kilala niya rin siguro ang apat na ’yon.

“Yes. Si Raj Vincent Stevenson, kaibigan mo ba sila?” tanong niya pa. Bakas ang excitment sa tono.

“No, Ma’am. Tatlong beses ko pa lang po yata silang nakakausap kapag nandito sila,” tugon ko.

Napa-O naman ang bibig niya at bahagyang tumango.

“Naging regular customer na kasi natin ’yung tatlo. Pero si Mr. Stevenson ay madalang pumunta rito. Binalita lang sa akin ng isang empleyado ko,” sabi pa ni Ma’am.

So madalang nga si Raj dito. Kaya hindi ko siya madalas makita. Pero ang tatlo, hindi ko rin sila madalas makita rito, o sadyang hindi lang nagkakatugma ang punta nila at ang labas ko rito sa office?

“Uhm. Maganda nga po iyon, ’di ba? Regular na sila, mas lalaki ang kita natin,” sabi ko naman.

Tumangu-tango si Ma’am sa akin. “And I think that because of you. Swerte ka talaga sa restaurant ko, Mwezi. Hindi talaga ako nagkamali na pinayagan kitang magtrabaho rito,” sabi niya pa.

Tipid na ngiti lang ang binigay ko sa kaniya. Binalik ko na muli ang tingin ko sa ginagawa ko. Hindi naman na umimik pa si Ma’am.

Nang matapos ang trabaho ko ay agad na akong umuwi. Hindi ko alam kung nandoon ba sa apartment si Vianna. Wala siyang text sa akin o kahit chat man lang.

“Raj Vincent Stevenson...” banggit ko sa pangalan na sinabi ni Ma’am kanina.

Ito ang totoong pangalan ni Raj. Napatango na lang ako sa sarili ko. Nang makarating sa apartment ay walang Vianna na bumungad sa akin. Binaba ko na ang mga gamit ko at agad sumalampak sa kama para magpahinga sandali. Sa facebook ko muna tiningnan ang account ni Raj. Marming lumabas na account pero mayroon sa pinakauna na maraming followers. Iyon ang pinindot ko.

“Kahit sa picture ay malamig pa rin ang mga titig,” nasabi ko na lang sa sarili ko.

Confirmed! Siya nga itong maraming followers. Kapag nagsend ako ng friend request sa kaniya ay sigurado akong hindi niya mapapansin dahil sa rami ng mga nagbabalak na i-add din siya.

Notre Éclipse (Notre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon