Kinabahan pa ako, hindi naman pala tuloy ang interview na sinasabi ng Mommy ni Ravi. Biglang may appointment na dapat puntahan ang magulang niya kaya naman umalis din ang mga iyon.
“Eiffel tower tayo!” pag-aaya ni Garry.
Gusto ko ring pumunta ro’n. Isa iyon sa pinapangarap kong puntahan. Ang balak ko nga ay Korea ang unang bansa na pupuntahan ko pero mas nauna na itong France dahil kailangan naming puntahan ang magulang ni Ravi.
“Tara na. Sayang ang outfit natin,” sabi naman ni Vianna.
Kaya naman sa huli, pumunta pa rin kami. Isang sasakyan lang ang dala namin. May driver naman at kasya kaming lahat dahil van naman ito. Tuwang-tuwa si Helios dahil ang daming magagandang tanawin na bago sa paningin niya.
“Grabe! Kaya gustung-gusto ko rito sa ibang bansa, e. Ang daming magagandang lugar,” sabi ni Garry.
“Dito ka na lang. Huwag ka nang bumalik sa Pilipinas,” pambabara naman ni Ravi.
Umismid si Garry. “Bakit kaya hindi na lang ikaw ang maiwan dito? Iwan mo na ulit ang mag-ina mo,” ganting sabi naman niya.
Napatampal na lang ako sa noo ko. Magsisimula na naman sila sa bangayan nilang dalawa.
“Dati pangarap mo lang ’to. Ngayon nandito ka na at tinitingnan mo na ’to ng malapitan,” sabi ni Vianna na nasa tabi ko na.
Tumingala ako sa Eiffel tower. Sobrang ganda. Hindi ako makapaniwala na nandito nga ako ngayon at tinitingnan ito.
“Sobrang ganda,” nasabi ko na lang.
“Baby, I’ll take a picture of you. Look here!” sabi ni Ravi.
Umalis si Vianna sa tabi ko para mapicture-an ako ni Ravi. Nilahad ko ang dalawang braso ko at ngumiti ako sa camera. Lumapit si Helios kaya kaming dalawa naman ngayon ang pini-picture-an ni Ravi.
“Sumama ka, Raj. Picture-an ko kayo,” sabi ni Garry at kinuha ang phone na hawak ni Ravi.
Itong dalawa na ’to, madalas magbangayan pero minsan maayos naman sila. Totoong may sama ng loob si Garry kay Ravi pero alam niya naman kung paano ilugar iyon.
“Ang pangit pala kapag kasama ka, dude. Alis ka na lang ulit,” pang-asar ni Garry.
Nagtawanan kami dahil do’n. Nagpapicture pa kaming magkakaibigan sa dumaang turista. Nagstay pa kami ng ilang minuto bago nagpasya na humanap na ng pwedeng kainan dahil gutom na raw sila.
Tanaw pa rin namin ang Eiffel Tower mula rito. Sa labas ng restaurant kami nakapwesto para mas maganda raw ang ambiance. Magkatabi kami ni Helios at parehas nakatingin sa Eiffel Tower. Um-order pa kasi ang iba naming kasama. Si Ravi na ang bahala sa pagkain namin dahil hindi naman ako familiar sa mga pagkain na nandito.
“Mama, ihi lang ako. Sama ako kay Papa,” sabi ni Helios na agad nawala sa tabi ko.
Ako lang ang naiwan dito sa table namin. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa magandang tanawin na nakikita ko ngayon. Ilang minuto ang lumipas, may dumating na waiter.
“Bonjour, Madame!” bati nito sa akin.
Ngumiti lang ako sa kaniya. Naglapag siya ng isang tasa na kulay itim at isang maliit na takure. Magkakape yata si Ravi kaya nandito ito.
“This is from Mr. Stevenson. Enjoy your coffee, Madame.”
Hindi na niya ako hinintay na makapagsalita pa. Umalis na siya agad. Tiningnan ko naman ang tasa na may kape na nga pero wala pang mainit na tubig. Bakit hindi pa nilagyan? Self service ba rito?
BINABASA MO ANG
Notre Éclipse (Notre Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: April 10, 2023 Ended: May 28, 2023 Mwezirean De Silva wants to become a Published Author. She keeps on writing and expressing her thoughts. Her name, mwezi means moon. And he met Ravi: A cold and mysterious...