After naming mag-zoo ay kumain na muna kami ng lunch. Sa Ikea na ang sunod naming pupuntahan, sa tapat ng MOA arena. Showroom ang pinuntahan namin. Binuhat na namin ang dalawang bata dahil pagod na raw silang maglakad.
“What room do you want, wife?” tanong ni Ravi.
Nililibot pa namin bawat room. Magaganda halos lahat. Ang hirap mamili dahil lahat ng nakikita ko ay talagang magaganda ang ayos.
“Gusto ko ’yung light lang ang color para maganda ang ambiance.”
May isa kaming napuntahan, beige ang kulay ng pader. May malaking kama at puting comforter. Bago makapunta sa cr, madadaanan pa ang closet at salamin na kapag binuksan, sa loob ay may lalagyan ng mga sapatos. Sa kabilang dako naman nakalagay ang tukador. Maluwang ang kwartong ito, maganda at bet ko.
“I like this,” sabi ko.
Tumango naman si Ravi at pinicture-an niya ang bawat sulok nito. Hindi ko alam kung paano bibilhin ang mga gamit na ’to. Baka sasabihin sa counter itong room tapos sila na bahalang magdeliver ng lahat ng kailangan?
Namili na kami ng bed para kay Hazel. Pati si Helios ay pinapili na namin. Ilalagay ang mga bed na mabibili sa lilipatang bahay namin.
Hapon na kami nakauwi. Pagod ang mga bata dahil sa haba ng araw namin. Niliguan ko na muna sila at hinayaan kong magpahinga pagkatapos. Inasikaso ko na lang ang meryenda at ang magiging dinner namin mamaya.
“You have a phone call, Mwezi!” malakas na tawag ni Ravi sa akin mula sa sala.
Iniwan ko saglit ang ginagawa ko para kunin ang phone ko at sagutin iyon. Hindi ko na nga nabasa kung sino ang tumatawag.
“Hello?” bungad ko.
[“Beh, si Vianna ’to.”]
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Nakatingin sa akin si Ravi at nagtataka. Umupo ako sa tabi niya.
“Bakit ngayon ka lang nagparamdam? Ano na nangyari sa ’yo?” Hindi ko mapigilang maiyak.
Miss na miss ko siya. Ang dami niyang nalampasan na pangyayari sa buhay ko. Nakakainis siya dahil ngayon lang siya nagparamdam ulit.
[“Sorry. Mahabang kwento. Pero ang mahalaga okay naman ako. Sorry talaga ngayon lang ako.”]
Kinalma ko ang sarili ko. Gusto ko siyang makausap nang maayos.
“Kailan ka babalik? Nasaan ka ba?” mahinahong tanong ko na nga.
[“Hindi ko pa alam kung kailan ako babalik. Pero ayaw ko namang ma-miss ang kasal mo. Kailan ang kasal?”] excited niya pang tanong.
“Kapag nakabalik ka na. Next year ang plano namin. Siguro naman next year nandito ka na?” puno ng pag-asang tanong ko.
[“Uhm... Hindi ko sure, beh. Pero kung ibabase mo sa pagbalik ko ang kasal mo, matatagalan ’yan.]
Hindi ako sumagot. So wala siyang balak na bumalik dito. Gusto kong nandito siya kapag kinasal na ako. Pero wala naman siyang balak na bumalik.
“Tuloy pa rin ang kasal kahit wala ka. Pero sana maka-attend ka. Itetext kita sa number na ’to kapag may exact date na kami ng kasal,” medyo malungkot na sabi ko.
[“Sorry talaga. Babawi ako sa ’yo, okay? Basta huwag mong pabayaan sarili mo. Okay lang ako rito, huwag mo akong intindihin. I love you. Bye!”]
Hindi pa man ako nakakasagot ay pinatay niya na. Nakakatampo pero naiintindihan ko siya. Siguro may rason kung bakit ayaw niyang umuwi rito. Dahil pa rin kaya kay Kenneth?
BINABASA MO ANG
Notre Éclipse (Notre Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: April 10, 2023 Ended: May 28, 2023 Mwezirean De Silva wants to become a Published Author. She keeps on writing and expressing her thoughts. Her name, mwezi means moon. And he met Ravi: A cold and mysterious...