Aking hinahangaan

95 3 0
                                    

Ako'y may nagugustuhan
Ngunit pag-ami'y wala sa pagpipilian
Itatago ang nararamdaman
Upang ako'y hindi niya iwasan.

Titingin sa kawalan,
Maghihintay sa paglitaw ng buwan
Hihiling sa kalangitan
Na sana ako'y kaniyang magustuhan

Ngunit tadhana nga'y mapaglaro
Kasi kahit anong iwas ang gawin ko
Upang hindi niya mapansin na siya'y aking gusto
Nabatid niya ito kahit hindi siya sigurado

Ako'y natuwa sapagkat hindi niya ako nilubayan
Napalapit ang loob ko at nahulog ng tuluyan
Ngunit sadyang masakit ang katotohanan
Sapagkat nahuhulog na siya sa kaniyang kaibigan.

Kaya't pinilit kong siya'y kalimutan
Inilihis ang atensyon at tumingin sa dumaraan
Na baka may isang taong aking matitipuhan
At baka siya na rin ang aking makakatuluyan.

Ako'y may nasulyapan
Isang lalaking tahimik sa may upuan
Tinitigan ko siyang mabuti at saktong ako'y kaniyang sinulyapan
Doon ko nalaman na siya pa rin ang aking hinahangaan.

SPOKEN POETRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon