Mahalin ang sarili bago ang iba
Alam kong mahirap
Pero kung ikaw ay magsusumikap
Makakamtan mo din ang iyong pangarap
At tunay na pag-ibig ang malalasapHuwag mong madaliin ang lahat
Sapagkat hindi pa dapat
Hintayin mo ang tamang oras na sapat
Kung gusto mo ng pag-ibig na tapatMahalin mo muna ang sarili mo
Balang araw makakamit mo din ito
Hindi ka man okay sa ngayon
Paniguradong sasaya ka sa tamang panahonKaya't matuto kang maghintay
Sapagkat hindi ka na malulumbay
At mamumuhay kang matiwasay
Kapag nagkaroon ka ng ganitong taglayHuwag kang matakot na mawalan
Sapagkat hindi ka naman mauubusan
Hintayin mong maghilom ng tuluyan
Ang puso mong sugatanPara ito sa huling talata
Mahalin ang sarili bago ang iba
Huwag magmamahal kung hindi pa handa
Kung ayaw mong sa huli'y magsisi ka
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRIES
PoetryPoetries can hide a lot of feelings. If you just learn to think deeper, you'll get what I mean.