Laruan

37 2 0
                                    

Laruan
Spoken Poetry

Nakatayo ako hindi man sa kalayuan
Ngunit tanaw na tanaw ko ang karamihan
Mga batang pilit na nag-aagawan
Sa isang magandang laruan

Hindi ko batid kung bakit ganyan
Marami namang iba diyan
Ngunit bakit pilit pinagpipilitan
Makuha ang hindi naman sayo nakalaan?

Katulad din naman ako niyan
May natatago rin naman akong kagandahan
Ngunit bakit niyo pinagtitiisan iyan
Kung pwede namang ako nalang.

Sa wakas ay may nakapansin din sakin
Isang batang pinag-iisipan kung ako ba'y kukunin
Hanggang sa pinilit na niya akong abutin
Atsaka ako'y niyakap at inangkin

Inuwi niya ako sa kanilang tahanan
Hindi matumbasan ang aking kaligayahan
Walang oras at araw na hindi ko naramdaman ang aking kahalagahan
Dahil sa batang tuwang-tuwa na ako'y kaniyang laruan

Akala ko'y habang buhay na ito
Ngunit dumating ang kinakatakutan ko
Dahil sa nakita kong dala-dala nito
Kakaibang laruan na kayang higitan ako

Kinuha ako nito atsaka inilagay sa lamesa
Tanaw na tanaw ko kung gaano siya kasaya
Mga bagay na dating sakin niya ginagawa
Ngayon ay pinaparamdam na niya sa iba

Sobrang sakit na isipin
Na pagkatapos niya akong gamitin
Bigla nalang niya akong hindi lalaruin
At tuluyan nang hindi papansinin

Dahil ba sa may bago ka na?
Kaya ako'y pababayaan mo na?
Dahil ba sa mas higit siya?
Kaya't sayo'y wala na akong halaga?

Bakit ka naman ganiyan?
Ako ang naunang nagbigay sayo ng kasiyahan
Pero bakit ngayon ako'y iyong pinababayaan?
Dahil ba sa wala na akong pakinabang?

Sana hindi mo nalang ako kinuha
Para sana ngayon hindi ako lumuluha
Sana hindi mo nalang ako pinahalagahan
Para sana hindi na ako nasasaktan

Pero alam kong wala akong karapatan
Dahil isa mo lang naman akong laruan
Kaya't tuluyan na kitang iiwan
At ako'y babalik nalang sa aking pinanggalingan

SPOKEN POETRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon