LunodSpoken Poetry
Para kang isang karagatan,
Wala akong lakas ng loob na sisirin ang iyong kailalimanGusto ko mang masilayan, kung gaano kaganda ang iyong kalooban
Ngunit paano ako lalaban?
Kung mayroong malalaking alon na hahadlangPaano ako makakarating sa kaduluhan?Kung mayroong mga pating na haharang
Unti-unti na akong nalulunod dito
Ngunit mukhang wala kang balak sagipin akoSumigaw man ako at humingi ng tulong,Alam kong hindi mo maririnig iyon
Ano pa ba ang dapat kong gawin?
Dahil pagod na akong maghintay na ako'y iyong sagipinKahit ilang beses ko mang subukinAlam kong kahit kailan ay hindi ka na darating
Gusto ko lang naman sanang makilala ka
Kung kaya't sumabay ako sa alon ng isang kantaBawat liriko at ritmo ay tumutugmaNgunit mukhang hindi ko na kaya at tuluyan ng bumitaw sa musika
Ngayon ay babalik na ako sa kalupaan
Dahil hindi ko na kayang lumangoy dito sa karagatanPagod na ang kamay at binti sa paglabanSa mga alon mong hindi lumilisan
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRIES
PoetryPoetries can hide a lot of feelings. If you just learn to think deeper, you'll get what I mean.