Nanay
Eto ung babaeng pinakaimportante sa aking buhay
Magiging saksi sa aking tagumpay
Gumagabay sa aking paglalakbay
Dahilan ng aking pagkabuhayNanay, Mommy, Mama at Ina
Iba't ibang tawag natin sa kanila
Sila ung mga babaeng nagbibigay satin ng suporta
Walang pake sa sasabihin ng iba
Sapagkat para sa kanila tayo ang pinakamahalagaWalang kapantay ang pagsasakripisyo nila
Para sa ikagaganda ng buhay ng anak nila
Palaging nandiyan at umuunawa
Sapagkat sa puso nila tayo ang nangugunaHindi man nila nasasabi na mahal ka nila
Pero mararamdaman mo iyon sa pag-aasikaso nila
Mahal tayo ng ating ina
Kaya sana'y respetuhin natin silaSalamat sa iyong pag-aaruga o aking ina
Salamat sa pagbibigay ng suporta
Salamat sa pagmamahal at pagtitiwala
Patawad sa mga kasalanang aking nagawa
Mahal na mahal kita o aking ina
Hindi man kita kasama
Ang iyong mga aral ay aking dala dala
Namimiss na kita aking ina
Hihintayin ko ang ating muling pagkikita
Mag-iingat ka parati diyan
Mahal na mahal kita 💙Advance Happy mothers day to all 💙
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRIES
PoetryPoetries can hide a lot of feelings. If you just learn to think deeper, you'll get what I mean.