Hindi ko alam kung guniguni ko lang ba o sadyang paasa ka.
Mga pasulyap sulyap mong nakakaakit talaga
Pero teka, sakin ka nga ba nakatingin o sa iba?
Sabihin mo sakin upang hindi ako maging assumeraMinsan iniisip ko nalang kung ito'y totoo o kathang-isip
Mga pinaranas mo sakin ay lagi kong nasa panaginip
Ano ba talaga ang nais mong iparating?
Ako ba'y gusto mo o ako lang ay naaaningAlam mong gusto kita pero bakit ganyan ka?
May kahulugan ba talaga ang lahat o ako lang ay umaasa?
Umaasa sa iyong mga pinakitang kakaiba
Kahit alam kong wala naman talagang malisyaSana'y hindi mo nalang ako pinansin
Upang hindi ako umaasang ika'y magiging akin
Sana'y hindi ka nalang nag-alala
Para hindi nalang sana ako umasaKathang isip ko lang pala na ako ang gusto mo
Sa tuwing iniisip ko na ako ang tinitignan mo Ay meron palang 'siya' na nasa likod ko
Na sinusulyapan at hinahangaan moPatawad kung ako'y umasa
Akala ko kasi 'ako' ang dapat pala ay 'siya'
Kathang-isip ko lang pala talaga
Tanga! Kasi binigyan ng malisyaPara sa dulo nitong tula
Ay iiwan ko itong mga kataga na nagmula sa isang kanta
Dahil ito ang gusto kong sabihin sayo Habang nakatingin ako sa mga mata moAko'y gigising na sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sayo
Dahil hindi ba nga ito ang iyong gusto
Ito'y lilisan na ako
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRIES
PoetryPoetries can hide a lot of feelings. If you just learn to think deeper, you'll get what I mean.