Maghihintay ako na mapansin mo rin ako...
Maghihintay ako kahit ikaputi pa ito ng buhok ko...
Maghihintay ako sayo kahit na alam kong siya ang mahal mo...Oo... Alam ko... Alam ko namang siya ang mahal mo...
Alam ko naman na kahit anong gawin ko siya talaga ang tinitibok ng puso mo...
At higit sa lahat Alam kong Kaibigan lang ang kaya mong ibigay sakin...Maghihintay???
Maghihintay nanaman ba ako sayo???
Maghihintay nanaman ba akong mapansin mo???
Maghihintay nanaman ba akong magustuhan mo rin ako???Maghihintay???
Maghihintay nanaman ba???
Alam mo bang nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang masaya ng dahil sa kanya...
Alam mo bang nahihirapan na ako sa tuwing nakikita ko kayong magkasamang dalawa???
Alam mo bang sobra akong nasasakatan ng dahil sa kanya...
Dahil alam kong di ako katulad niya...
Dahil alam kong mas mahal mo siya...
Dahil alam kong hindi ako magiging siya...At iniisip ko na sana ako nalang siya...
Sana ako nalang ung babaeng minahal mo...
Sana ako nalang ung magpapasaya sa bawat araw mo...
At sana... hanggang sana nalang talaga...Alam mo bang maraming nabuong akala sa isipan ko...
Akala... Akala ko gusto mo ako...
Akala... Akala ko may pag-asa ako sayo...
Akala... Akala ko mahal mo ako...
Pero mukhang akala ko lang yon...Minsan tinanong ko ang sarili ko...
Bakit ka ba naghihintay sa taong hindi ka na babalikan???
Bakit ka ba naghihintay sa taong hindi ka naman makakayanang mahalin???
At Bakit ka ba naghihintay sa taong may mahal ng iba???
Alam mo... Hindi ko na nga yata kaya...
Hindi ko na kayang maghintay sa iyo...
Hindi ko na kayang magpatuloy sa set up na ito...
At Hindi ko na rin kayang magmahal ng iba bukod sa iyo...Tama na... Ayoko na... Suko na...
Hindi ko na talaga kaya...
Masyado na akong nasasaktan...
Masyado na akong nahihirapan...
masyado ko na rin nasasaktan ang puso ko...Tama na...
Kakalimutan na kita...
Sana maging masaya ka sa piling niya...
Basta lagi mong pagkakatandaan na mahal na mahal kita...
At nandito lang ako para sayo...At ako'y maghihintay kahit sa katapusan pa ng mundo...
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRIES
PoetryPoetries can hide a lot of feelings. If you just learn to think deeper, you'll get what I mean.