Anim na letra
pero di alam ang nadarama
Hindi ko alam kung MANHID ba talaga???
o hindi lang pinansin ang pagmamahal nya???
Tanga bang maituturing???
Ang di ko pagpansin???
Sa pagmamahal na binibigay mo sakin???
O Manhid
Dahil alam ko naman na mahal mo ako
Pero Tinalikuran ko
Sa takot na baka
Masira ang relasyong meron tayo
Sa takot na baka
Mawala ung pagkakaibigan na ating binuo
Sa takot na baka mawala ka
Mawala ka ng tuluyan sakin
O ang mawala ang pagkakaibigan natin
Huli na ba ang lahat
Para aking balikan
At aking masuklian
Ang pag ibig na matagal mo ng pinadama
Pero dahil nabulag ako
Kaya nawala na nga ang pagkakaibigan natin
Pero ang mas masakit
Pati ikaw nawala sakin
Ganon na ba ko kamanhid
Para di ko mapansin???
Na nasasaktan ka na ng dahil sakin???
Nasasaktan na pala kita
Pero ako tuwang tuwa pa
Kasi akala ko pati ikaw masaya
Pero ako lang pala
Gaano ba katangkad si pagsisisi???
At palagi nalang siyang nasa huli???
Ang sakittt
Kasi isinakripisyo mo ung kaligayahan mo
Para lang mapasaya ako
Kahit pa ikasasakit mo ito
Ang tanga ko
Kung bakit pinili ko
Ung taong sasaktan at lolokohin lang ako
Eh nandiyan ka naman para mahalin at alagaan
ako
Pero ang mas masakit ung nakikita kita
Pero hanggang tingin nalang ako
Bakit???
Kasi di na ko makalapit sayo
Di na kita nakakausap gaya ng dati
Di na tayo nagsasama at nagaasaran
Ewan ko ba
Kung bakit ako naging manhid
Dahil siguro to sa taong nagustuhan ko
Pero sa kasamaang palad ay hindi ako gusto
Kaya siguro ako nagkaganito
Pero ngayon gusto ko lang sana sabihin sa iyo
Ang mga katagang nais kong masabi ng pormal
sayo
Mga katagang hindi ko nasabi ngayon
Sanay nakikinig ka
Wag kang magalala
Sapagkat hindi naman ako magtatagal
Mahal Na Mahal Kita
Salamat sa pagaalaga
Sa pagsuporta
At syempre sa Pagmamahal
MAHAL NA MAHAL KITA AKING KAIBIGAN
AT UMAASA AKO NA BABALIK PA TAYO
SA KUNG ANONG MERON TAYO NOON
PERO SA PAGKAKATAONG ITO
HINDI NA SA PAGKAKAIBIGAN NATIN
KUNDI SA RELASYONG PAPARATING
SANA MAPATAWAD MO KO SA MGA KASALANANG
NAGAWA KO
PATAWAD KUNG NASAKTAN KO ANG TULAD MO
PATAWAD SAYO
PERO PANGAKO
NANDITO LANG AKO
HANDA PA RING SUKLIAN ANG PAGMAMAHAL
MO
AT HIGIT SA LAHAT PATAWAD
Kung naging MANHID AKO
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRIES
PoetryPoetries can hide a lot of feelings. If you just learn to think deeper, you'll get what I mean.