One sided love
Hindi ko mapigilang hindi ka tignan
Dahil sayong mga ngiting kay sarap pagmasdan
Hindi ko alam kung bakit ganyan.
Pero buo na agad ang araw ko kapag ikaw ay aking nasusulyapanTayo'y naging magkaibigan
Pero higit pa doon ang aking kagustuhan
Gusto kita at nais ko iyong ipaalam
Kaso nga lang may iba ka na palang natitipuhanMasakit noong aking nalaman
Sapagkat nahulog na pala ako ng tuluyan
Kaya ngayon labis akong nasasaktan
Sapagkat hindi pala pareho ang ating nararamdamanKaya ngayon sana'y nakikinig ka
Gusto kong sabihin itong mga salita
Na gusto talaga kita noon pa
Kahit alam kong may iba ka naSana'y maging masaya ka sa kaniya
Dahil hindi ko gustong makitang nalulungkot ka
Nandito lang ako at handa ka pa ring mahalin sa malayuan
Kahit alam kong kahit kailan ay hindi tayo magkakatuluyan
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRIES
PoetryPoetries can hide a lot of feelings. If you just learn to think deeper, you'll get what I mean.