Alam mo ang hirap... ang hirap maging masaya...
Ang hirap magkunwaring ayos ka...
At higit sa lahat ang hirap ipagtulakan ang taong mahal mo sa iba...Nagtatago???
Tinatago ang sakit na nadarama...
Ngumungiti kahit alam mong durog na durog ka na sa sakit... Bakit ba ang hirap???
Ang hirap dahil ikaw pa ang pinili kong mahalin...
Ikaw pa ang pinili ko...
Kahit alam kong masasaktan lang ako...Umaasa???
Oo, umaasa ako...
Umaasa ako na magugustuhan mo rin ako...
Umaasa ako na balang araw makikita mo rin ang kahalagahan ko...
Umaasa ako na sasabihin mo rin sakin ang mga matatamis na salitang lagi mong binibitawan sa kanya...Sana ako rin...
Sana ako rin ung babaeng makakasama mo sa mga ngiti, lungkot at kilig...
Sana ako rin ung dahilan kung bakit ka masaya...
At sana ako rin ang laman ng puso mo...
At sana... oo hanggang sana na nga ata...
Dahil hindi ako ung babaeng yun...
Dahil hindi ako ung babaeng minahal mo...Masaya???
Akala mo lang masaya ako... kc un ung pinapakita ko...
Akala mo lang masaya ako... pero sa totoo lang nasasaktan ako...
Nasasaktan ako tuwing nakikita kitang ngumingiti ng dahil sa kanya...
Dahil iniisip ko na sana ako na lang siya...Tinatapos???
Oo... tama ang narinig mo...
Tinatapos ko na ang ginawa kong ito...
Tinatapos at binibitawan ko ang mga salitang pinanghahawakan ko noon...
Tinatapos ko na rin ang nararamdaman ko para sayo...
At unti- unti ko nang kakalimutan na naging parte ka ng buhay ko...
Tinatapos ko na dito ang mga bagay at mga salitang pinangako mo sakin noon...
Iyong mga pangakong unti-unting napako...
At unti-unti kong tatanggapin na mas mahal mo siya kesa sakin...
Kesa sakin na kaibigan mo lang...
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRIES
PoetryPoetries can hide a lot of feelings. If you just learn to think deeper, you'll get what I mean.