MIXED SIGNALS

129 6 1
                                    


Mixed signalsSpoken Poetry

Hindi ko alam kung aasa pa ba

Dahil sa iyong mga ginawang kakaiba

Mga salita mo'y tila nakakapagtaka

Hindi ko alam kung maniniwala pa ba

Minsa'y malambing ka

Minsan nama'y lumalamig kang biglaPabago-bago ang kilos mo sintaKung kaya't hindi alam kung itutuloy pa ba

Itutuloy pa ba itong kagustuhan ko sayo?

Kahit mga kilos mo'y sobrang malaboPilit iniintindi ang mga sinasabi moKahit para akong isang banyaga na hirap intindihin ito

Ano ba talaga ang pakay mo?

Hindi ba pwedeng diretsuhin mo nalang ako?Sabihin mo kung hindi mo ako gustoHindi yung bibigyan mo ko ng motibo

Alam mong gusto kita

Pero bakit ginagawa mo kong tanga?Sino ba sa aming dalawa?Ako ba talaga o siya?

Sana nama'y linawin mo

Kung pag-ibig o awa lang ba itoUpang maintindihan ko kung ako na ba'y lalayoO aasa sa mga Mixed signals mo

SPOKEN POETRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon