Hindi ko alam kung bakit ako nandito
Kung kaya't sumigaw ako hanggang sa abot ng nakakaya ko
Halos mapaos at matuyo na ang laway ko sa kakasigaw ko
Ngunit dahil sa layo at lalim na binagsakan ko, tila walang nakakarinig sa pag sigaw koDito sa balong malalim
Walang makita kundi ang dilim
Pilit humahanap ng paraan upang makaalis
Pero hindi ko pa kayang mag-isip ng mabilisKung kaya't pumikit ako
Pilit inaalala kung bakit humantong dito
Kasabay ng pagbagsak ng katawan ko
Ang sakit ng alaalang natagpuan koPauwi na ako ng gabing iyon
Masayang naglalakad sa may kanto
Pero bigla kang dumating at hinila ako
Sabay takip ng panyo sa ilong at bibig koNagising nalang ako sa isang bahay
Walang makikitang kahit anong bagay
Pilit inaalis ang taling nakagapos saking kamay
Hinihiling na sanay maging malaya at mabuhayNgunit sa pintuan ay pumasok kang bigla
Puno ng putik ang sapatos na nasa iyong mga paa
At nung napansin mo ang aking presensya
Humingi ako ng tulong ngunit wala iyong kwentaSapagkat tinawanan mo ako
At sinabing, walang sino man ang makakarinig sa hinaing ko
Kahit makatakas pa ako dito
Tiyak na ikamamatay koLumapit ka sakin at hinaplos ang balat ko
Natakot ako sa maaaring gawin mo
Kung kaya't ipinikit ko ang mga mata ko
At umiyak dahil sa sakit na nararamdsman koNagising ako na masakit ang katawan ko
Hindi makabangon dahil sa hapdi ng sugat na ibinigsy mo
Pumasok ka sa kwarto at may dalang sako
Pilit mo akong pinasok at kinarga sabay hampas sa isang batoNahihirapan man ako ay pinilit kong kumawala sa sako
Nung mabubuksan ko na ito ay hinila mo ako
Kinaladkad papunta sa kung saan mang nais mo
Sabay bato na parsng isang laruan sa basurahang pinagbagsakan koIdinilat ko ang mga mata ko
Ngayon, alam ko na kung bakit ako nandito.
Niyakap ko ang sarili ko
At pinunasan ang luha sa mga mata ko.Sabay sambit ng mga katagang, "Okay lang ako"
"Ginawa ko naman ang lahat at lumaban ako ngunit sadya siyang malakas kung kaya't natalo ako"
Hindi na ako aasang may magliligtas sakin dito sa impyerno
Sapagkat sa pelikula lang naman mayroong superheroMaging leksyon sana ito sa inyo
Upang mag-ingat at huwag na munang pumunta sa kung saan mang nais niyo
Upang hindi matulad sa sinapit ko
Na naging biktima ng pagkidnap ng masasamang tao
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRIES
PoetryPoetries can hide a lot of feelings. If you just learn to think deeper, you'll get what I mean.